Chapter 03

522 16 8
                                    

Dedicated to @airaespanto1 for having the correct answer. ;) congrats.

~*~

Via

"Ateee! May tao!" Sigaw ni Violet.

Haaaay! Ano ba yan, nasi-stress pa nga ako sa kung anong dapat na accessories ang isusuot ko eh!

Tinatamad ako na tumayo at pumunta sa pinto ng kwarto ko. Nag-unat unat muna at napatingin sa salamin. Ay butiki! Anyare sa itsura ko?! Nakakasura!

Agad akong pumunta sa may salamin at nag-powder at suklay. Jusko, mukha talaga akong halimaw, pramis.

"Viaaa!" Sigaw uli nila. Haaay, ang ingay talaga namin forever.

Ibinaba ko na ang suklay ko sa lamesa at nagpo-ponytail na bumaba sa hagdan.

"May mga kamay naman kasi, bakit hindi pa sila ang magbukas hay na-"

Natigilan ako at nabitawan ang buhok ko.

"Kelvin?"

Hinihingal siyang umupo sa sofa namin. Pawis na pawis din. Tsk tsk. Ano nanaman ang ginawa nito?

"Anong nangyari sayo, ba't ganyan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi naman wala ka kahapon," Hinihingal na sabi niya. "Kaya bumalik ako dito."

"Ano ba kasi ang kailangan mo at talagang minarathon mo pa ang pagpunta dito?"

"Ito," sabi niya. May inabot siyang naka-box.

"Ikaw," sabi ko. "Pwede mo naman iwanan kina Violet itong box na to eh. Wala ka bang tiwala sa kanila?"

"Hindi naman." Poker face niyang sagot. "Pero basta. Sabi kasi sakin ni Megan na mas maganda kung ako mismo yung magbibigay sayo."

Apsh. Mga pahirap pa eh. "Fine, fine. Ano ba laman nito?"

"Buksan mo," Ngiti niya. Hahaha, babatukan na kita Kelvin, badtrip nga kasi ako, wala akong accessories para mamaya, pabitin ka pa din naman.

Kahit pa medyo wala ako ngayon sa mood para sa surprises, binuksan ko.

"OMG. KELVIN. BAKIT-OMG. THANK YOU!"

YEEEES! Problem solved! Iba't ibang accesories! Waaaah.

Ngumiti lang siya.

"Bakit mo nga pala ako niregaluhan nito?" Tanong ko.

"Nabalitaan kasi ni Megan na pupunta ka sa Artists Night. Eh nabanggit ko sa kanya na wala ka talagang kung anong accessories sa kwarto mo kaya ayun. Ang saya saya nga niya habang nag-pipili ng accesories eh."

"Uy pakisabi, thank you ah. Ang sweet naman." Sabi ko. Tinitignan ko pa yung mga accessories tapos bigla na lang siya nagpaalam. May pupuntahan pa daw kasi siya.

Pero atleast. Problem solved na. Kaya naman pala hindi ipinahabilin ni Kelvin kina Violet at Zoey tong box kasi baka hindi na makarating sa akin at sinuot na nila lahat. But the problem is (problem nanaman) hindi ako marunong mamili at mag-mix ng accesories na babagay sa susuotin ko. Haaaay buhay.

Kelan pa ba kasi ako matututo na maging kahit papaano eh slightly girly? Pakiramdam ko ang baduy baduy kong pumorma. Kung magpatulong kaya ako kina Violet? Wait, sabi ni Celine tutulungan niya daw ako eh. Hmm... seryoso ba talaga yung babaeng yun? Baka naman maghintay ako, hindi naman pala siya pupunta?

May kakilala kaya ako sa Artists Night? Malamang madami akong mga kilala doon pero hindi nila ako kilala. Why? Cuz I'm not famous. At panigurado, pagkatapos ng Artists Night, at naipost na ang mga pictures, bash nanaman ang aabutin ko sa mga asawa daw ng boyfie ko. Hahaha. Naiintindihan ko naman yun, kaya okay lang saakin. Ganyan din ako dati eh! XD

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon