Chapter 16

160 4 2
                                    

Perfect Pair

Via

Weeks passed since nung last get together naming magkakaibigan. And guess what? It's first day of school. Ugh.

Inayos ko ang puting puting uniform ko at inilagay ang mga nakakalat kong gamit sa bag ko.

"Lakas talaga ng loob mong mag-medicine," Sabi ni Violet. Binuksan na niya pala ang pinto ng hindi ko man lang nararamdaman.

Tumingin muna ako sa salamin para tignan kung ayos na yung mukha ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Well, it's hella hard and you hella have to study for quite a long time." Sabi niya.

"What? It's destiny." Tawa ko. Umirap naman siya.

"Destiny?! Yang destiny na yan babatukan ko na. Ang tagal bago maki-eksena!" Reklamo niya. Ibinaba ko na ang blinds ng kwarto ko, since hapon na ako uuwi simula ngayon.

"Bakit, gusto mo na?" I asked her. Lumingon naman siya sa akin. "Bakit, kaya mo?"

"Hanapan kita sa school. Hahaha," Kinuha ko na ang bag ko at pinatay na ang ilaw. "Excuse, baka ma-late ako."

Bumaba ako at pumunta muna sa kusina para uminom.

"Really, Ate?" Hala, nasa likod ko pala itong babaitang ito.

"Dejoke lang yun." Sabi ko. Inirapan niya naman ako. "Hahaha! Sige bye na Vee!"

Lumabas ako ng bahay at saktong dumating ang isang itim na kotse at tumigil sa harap.

"Bagay sayo uniform, Via." Sabi ni Megan. Kasama ko rin siya sa school at medicine rin ang course niya. Medyo kinakabahan nga ako kasi first years palang kami. At saka malaki laki ang campus kaya baka mawala ako. Hahaha.

"Ay hahaha. Ang puti nga masyado. Nahahalata tuloy na maitim ako." Sabi ko naman.

"Ikaw? Maitim? Haha you kidding me, bae? Ang puti mo kaya." Sabi niya. Nginitian ko nalang siya at sumakay na sa kotse niya. Nagulat ako ng makita ko si Kelvin ang driver. Nasa shot gun seat si Megan at ako naman mag-isa sa likod. I don't really care, anyway.

"Burn, men. Marunong kang mag-drive?!" I asked in disbelief.

"Ay hindi. Wasak wasak na nga itong kotse ni Meg oh." Sagot niya sarcastically.

"Okay, tara na. Malelate na kami ni Via." Yaya ni Megan. Hindi na umangal si Kelvin at nag-drive na. Nakita ko na nginitian ni Megan si Kelvin.

Ang sweet nila. At talagang andyan pa si Kelvin para ihatid ang girlfriend niya sa kanyang first day. I really ship them together.

Parang kahit epic fail yung unang relationship nila dati, it worked out fine in the end. I hope sila na talaga, forever.

Walang forever?

Oy, meron kaya. Diba nga sabi namin ni Darren; Forever? Forever. Naks hahaha. Ay speaking of Boyfie...

Kinuha ko an phone ko at tinignan kung may message siya.

Gad. 7 missed calls at 3 messages.

Boyfie:

Hey, good morning

Happy first day! (not)

Busy ka for school? Text ka lang anytime. I love you.

Hindi na ako nagaksaya ng panahon at nagreply na sa kanya.

I'm on my way. Ingat ka jan, I love you too. Haha. ;)

Boyfie calling...

"Hello-"

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon