Chapter 01

540 24 5
                                    

Perfect Pair

Via

Sabi nila maghintay lang daw. Dahil ang biyaya ay dadating sa mga nag-hihintay. Pero kung sabi nila maghintay ka lang, pero para lang sa wala, pinapaasa ka lang.

Ang hirap nga naman ng buhay. Bakit pa kasi kailangang maghintay. Parang ako, hintay ng hintay para sa free time ni Darren. Nag-hihintay na sana makasama ko na uli siya ng matagal. Kasi, alam mo yung feeling na andyan nga siya pero parang ang layo niya

"Cous! Ang layo ng tingin ah!" Zoey snapped.

Napabalik ako sa kasalukuyan. Ang mga nangyayari sa paligid. May hawak akong ballpen, sa loob ng kwarto ko, nagsusulat ng kung ano ano.

"May iniisip lang." Sagot ko.

"Obvious nga," Sabi niya. "Ang hirap pala ng situation mo no?"

"Ewan ko ba. Bahala na." Bumuntong hininga ako. Napatingin ako sa papel at ballpen na nasa harap ko ngayon. Eh kung magpalipas oras muna ako? Paano kung makalimutan ko muna ang mga problema kahit sandali? Paano kung pwede akong gumawa ng sarili kong happy ever after?

Sinimulan ko nang mag-sulat. Lahat ng emosyon ko ibinuhos ko sa loob nito.

Isang araw, Sabado to be exact, wala talaga akong magawa, so naisipan ko na ipagpatuloy ang kwentong ginagawa ko sa kwarto.

"Busy?"

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Darren. Agad agad kong iniligpit ang mga gamit ko at niyakap siya.

"Gusto mong kumain muna?" Tanong ko.

"Wag na. Nakakain na ako kanina." Sagot niya.

"Ah," Nakangiti parin ako na parang timang. Para kasing forever kung magkita kami eh. "Pagod ka ba?"

"Hindi na, nakita na kita eh." Nakangiting sabi niya.

May biglang nagbackflip sa kaloob looban ko indicating na kinikilig ako. Hahaha.

"Girlfie," Tawag niya. I raised an eyebrow.

"Gusto kitang isama sa Artists Night, sa Night Ball. Ipakikilala ko na rin ikaw sa kanila."

Mas lumaki pa ang ngiti ko. "Sure! Kelan ba?"

"Tomorrow night."

"Ah, sige. Pero ang problema..."

"Wala kang damit? Simple lang yan." Sabi niya sabay pakita ng nakabox na regalo.

"Ano yan?"

"Dress mo."

"Talaga?! OMG. Thank youuu!!" Sabi ko at niyakap ko siya.

Pinabukas na niya saakin.

Isang napakagandang dress. Color white na may gems sa laylayan at may kasamang black leather belt para sa may hips ko. May kasama pang heels? Did I tell you na ang mamahal ng mga ito?

"Darren ang mahal ng mga ito ah!"

"Anything for Girlfie." Nakangiti niyang sabi.

Tinignan ko ulit ang sapatos. Kagaya siya ng dress. Siguro match sila. May gems din, at saka medyo mataas.

"Dapat ka nang masanay sa mga ganyan."

"Dapat talaga?" Tumango siya.

"Sige na nga." I said with a pouty face at tumawa siya.

After namin kumain ng snacks umalis na ulit siya. May TV guesting pa daw siyang kailangan ishoot today. Well, ano pa ba ang magagawa ko?

With that I just called up Celine.

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon