Chapter 10

305 21 3
                                    

Darren

"No, I need a break. Hindi pwedeng puro ganito. May sarili din akong buhay!" Sigaw ko sa Manager ko. Oo, galit ako kasi hindi nila ako pinapayagan. Akala nila madali lang yung trabaho ko? Hindi.

"Kailangan ko mag-explain kay Via! Lalo na jan sa ginawa ng assistant ni Darlene!" Galit kong sabi. Baka magalit sakin si Via. Hindi ko makakayan yun. Ayoko nang maulit yun.

"I think siya ang dapat mag-explain."

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Mas lalo pang nag-init ang galit ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ikaw ang dapat mag-explain. Kundi si Via herself." Sabi ni Janna. Inaabot niya sakin yung isang envelope.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya. Kahit galit na galit ako sa ginawa niya, nacu-curious parin ako.

"See for yourself, Mr. D." Sabi niya.

Kinuha ko sa kanya yung envelope at inilabas yung picture sa loob.

"A-ano to?"

Nag-cross arms si Janna at ngumiti. "It seems na someone's making your girl happy while you're not around."

Ano? Hindi to totoo. Pero kuhang kuha sa picture na to eh. Hawak ni Kelvin yung kamay ni Via at parang natawa si Via. Silang dalawa lang sa table. Hindi. Hindi niya to magagawa.

"Oh no Darren. Nagawa na niya." Sabi ni Janna as if reading my mind.

"I need to go." Sabi ko sa Manager ko.

"Sige," Bigay ng Manager ko. Dapat lang. Dahil kung wala ako, wala din siya. "Pero isang week lang. You need to fix your matters kasi madami ka pang schedule para sa-"

"Alam ko!" Sigaw ko sa kanya at pumunta na sa kotse ko.

"Kuya Froy, babalik na tayo sa Manila." Sabi ko. Sumakay na siya sa kotse at nag-drive na yung driver namin papuntang airport.

~
Violet

"A-ah, wala Ate." Kinakabahang sagot ko.

"Anong wala?" Tanong ni Ate Via at hinablot sa kamay ko yung picture.

"Wag-"

Pero hindi ko na siya napigilan. Nakita na niya. Sunod sunod na tumulo an luha niya sa pisngi niya at napa-upo na siya sa lapag.

"Ate! Ate wag dito. Tara, uuwi na tayo! Ate, please!" Sabi ko sa kanya. Pilit namin siyang tinatayo pero nagpupumiglas siya.

Umiiyak siya ng sobra. Pakiramdam ko ang lungkot lungkot na ng mundo. Ayokong makita si Ate na naiyak. Hindi dahil jan sa Darren na yan.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kuya Kelvin na lumapit sa amin.

"Oh dear. Bakit naiyak si Via?" Tanong ni Megan.

Lumapit sa kanya si Kelvin at pilit siyang itinayo.

"Via, you know what? Let's go home." Sabi ni Kuya Kelvin sa kanya.

Pero nagpumiglas parin si Ate.

"Ayoko! Iwanan niyo ako!" Sigaw niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa arcade.

"Via, I did a favor for you. Please, ako naman. Do me a favor at umuwi na tayo." Sabi ni Kuya Kelvin. Umiiyak na niyakap ni Via si Kuya Kelvin. Automatic na napatingin kami kay Megan. Pero hindi siya naiinggit. Concerned pa nga siya sa itsura niya eh. She understands na kailangan ni Via ngayon ang best friend niya. And Megan's letting her.

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon