Chapter 17

107 4 7
                                    

Perfect Pair

Via

Naka-upo lang kami ni Megan ngayon sa gilid ng gym kasi free time pa namin.

Mahangin ngayon at mukhang mainit mamayang hapon dahil ang tingkad ng sikat ng araw. Lumilipad sa paligid ng gym ang mga tuyong dahon na nalaglag sa lupa at maya't maya ang lipad ng mga ibon.

Nature-friendly itong university namin. Kaya naman palaging ang sarap matulog, -.-

"Via," Tawag ni Megan na kanina pa sa phone niya. "Iniimbitahan nga pala tayo ni Dona sa bahay nila,"

For these past weeks, kasama namin palagi si Dona. Kami kami lang ang close dito sa university, ayaw kasi namin sa mga iba dito. Mga mataray, mayabang, maarte, o sadyang kuntento na lang kami sa isa't isa.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Meron yata silang celebration," Sabi ni Megan. "Wait, tanong ko."

Nag-type na uli siya sa phone nya. Bakit ba kasi nakalimutan kong icharge ang phone ko kagabi -.-

"Birthday daw ng kapatid niya." Sabi ni Megan.

Nung hapon, sa bahay ko na nagbihis ng pang-alis na damit si Megan. Kasi siya may baon nang damit, ako wala pa.

Nagpantalon lang ako, tshirt na pula at pinatungan ko ng sweatshirt na gray. Malamig kasi ang panahon tapos naulan pa.

Binigay ni Dona kay Megan ang address nila kaya siya ang sinusundan ko habang naglalakad kami. Kakababa palang namin ng jeep, at nasa loob na kami ng village nila. Maganda ang village, in fairness. Mukhang mamahalin ang mga bahay dito.

Lumiko kami sa isang street. Napansin ko din na walang mga gates dito, at ang lalaki ng garden nila kaya ang sarap pagmasdan ng buong street.

"May powerbank ka?" Tanong ko kay Megan habang kinakalikot ang cell phone ko.

May kinuha si Megan sa bag niya at inabot sa akin ang kanyang pink na flat na powerbank. Kinabit ko ang phone ko doon at inilagay na sa bag.

Tumigil bigla si Megan sa tapat ng isang bahay. Medyo dumidilim na din ngayon kaya nagbukas na sila ng ilaw. Rinig na rinig ang lakas ng music sa loob.

Tumawag si Megan sa phone niya. Maya maya pa, lumabas na si Dona na may hawak na cupcake.

"Megan! Via!" Bati niya. Lumapit siya saamin at niyakap kami. "Pasok kayo,"

Pumasok na kaming dalawa ni Megan. Ang daming tao. Pero mostly kasing edad ko lang siguro. May mga nasa sofa, may naglalakad lakad, meron din na nasa may buffet table na nakalagay sa tabi ng dingding.

"Kain kayo ha," Sabi ni Dona.

Ang lakas ng music kaya halos pasigaw na ang pagsabi ni Dona.

Sa buffet table, promise nakakagutom. Kung gusto mo, may rice at iba't ibang ulam. Meron din namang Desserts, o kaya mga vegetarian salad or snacks lang. Kumuha lang ako ng light meal kasi busog pa ako.

Sa isang plato, naglagay ako ng pasta, yung lumpia kasi fave, tapos kaunting salad. Light na yan.

Doon kami sa table sa may garden kumain ni Megan. Medyo mahina na ang music kaya hindi na kami nagsisigawan.

Nang makakain na ako, kumuha ng iced tea at chips si Megan. Takaw talaga nito, pero syempre ako din.

Kumakain kami doon habang nakikinig ng music at nanonood ng mga sumasayaw sa loob ng bahay.

May kumalabit sa akin.

"Via,"

Tumingin ako, nandun si Dona at may kasama siya kaso nakatalikod at may kinakausap.

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon