KATHYRN'S POV
Matapos ang nangyari sa Viking ay para akong mamatay dahil sa takot. Hindi naman sya nakakatakot, nakakamatay lang. Tiningnan ko si Joseph na umiinom ng tubig pagkatapos nitong makababa sa Viking.
‘Di ko napansin ang paglapit ni Carson at umakbay ito sa akin, tiningala ko sya at sakto naman ay tumingin ito sa akin na nakangisi. Ngising demonyo.
“Sa ferris wheel na naman tayo.” Anito.
“Heh! Bahala ka sa buhay mo! Dito lang ako.”
“Ano ka ba Kath,” Ani Math at umakbay sa akin. “Wag kang matakot sa ferris wheel.”
“Kayo nalang, gusto ko pang kumain, eh.” Pagdadahilan ko.
“Don’t worry, Kath. May kasama ka naman sa ferrish wheel, eh. Kung gusto mo kayo nalang ni Carson.” Ani Mark.
“Nagugutom na nga kasi ako.” Sabi ko.
“Walang gutom-gutom! Gora na!” Sigaw ni Calvin at binuhat ako na parang sako ‘tsaka ay ipinasok do’n sa ferrish wheel. Huli na ng maka alis ako ay umangat ito ng kaunti para sa sasakay.
Pinikit kong mariin ang aking mata dahil sa kaba.
“‘Wag ka ngang bakla d’yan, Kath.” Ani Carson na pa chill-chill lang.
“‘Wag ka ring OA alam mo namang first time kong sumakay ng rides kaya malamang sa malaman ay natatakot talaga ako!” Singhal ko sa kanya. Sinong ‘di sisinghal, eh, nagsimula na naman itong tumaas ng kaunti. ‘tsaka sinabihan pa talaga akong bakla! Pakyu sya!
“Imulat mo ang iyong mata at tumingin sa labas.” Anito.
“Ayoko nga.” Sagot ko.
“Sige na tingnan mo na kasi, maganda kaya.” Pamimilit n’ya.
“Natatakot ako.”
“Nandito naman ako.”
‘Nandito naman ako.’
‘Nandito naman ako.’
‘Nandito naman ako.’Paulit-ulit iyong nag echo sa pandinig ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at tumingin kay Carson na nakangiti narin sa akin. Naaalala ko na naman ang kapatid ko sa kanya. Ganyan din ang sasabihin ng kuya ko sa akin ‘pag kinulong kami nila mama’t papa sa madilim na kwarto.
“Khian.” Naisambit ko nalang ng magsimulang umandar ang ferris wheel.
Puno ng emosyon ang kanyang mata. Masaya, at nagagalak. “Kath.”
“Khian.” Nagsimulang uminit ang aking mata at batid kong dahil iyon sa namumuong luha.
Na coma ang kapatid ko kaya malabong s’ya si Carson. Madalas ko lang makita si Kuya at hindi ko manlang siya nakita nung bata siya na nakahiga sa kama, picture n’ya lang no’ng 9 years old sya ang nakita ko na nakahiga sa kama at nakapaskal ang pang ospital na kagamitan. Kaya malabong malabo na maging si Carson ang kapatid ko. Pero baka ay peneke ako ng magulang ko para gawing pang black mail sa akin.
Nakakalito, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ang instinct ko o ang mga magulang ko?
“Kath,” Anito.
Umiwas ako ng tingin at yumuko.
“Carson.” Naisambit ko at hinawakan siya sa kamay.
Mababakas ang lungkot sa kanyang mata at agad itong napalitan ng kawalang emosyon.
YOU ARE READING
My Heartless Husband
RandomKathryn was abused and forced to marry the man she didn't love. But, when they live together there's still no differences because her husband still hurt her. Will the fate of Kathryn's life change if her husband find out that she was abused?