CHAPTER 11

322 7 4
                                    

WAYNE'S POV



Gusto ko ba si Kathryn?

Hindi! Hindi ko siya gusto. May naalala ako sa kanyang tao kapariho niya kasi ng pangalan.

"Mabuti nakipag kita ka kay Kathryn, Wayne." Anang Lolo. Tumango lang ako.

"Next year na ang kasal nyo."

I pushed the side of my cheek.

"It sucked." Madiin kong sabi.

"Wayne!" Suway ni Dad.

"Totoo naman, ah! It sucked! Bakit ako pa?! Dalawa kami ni Kuya! Pwede namang siya!" Tiningnan ko sila lahat.

Pabatong inilapag ni Kuya ang kutsara at tinidor. "You don't know a thing." Madiin nitong pagkasabi at nagmartsa na paalis.

"Ha! I don't know a thing, eh, ayaw nyong sabihin?!"

Napahinto siya sa paglalakad pero hindi niya parin ako nilingon. Dinig na dinig ko ang pagbuntong hininga niya tsaka siya humarap sa akin. Kita ko ang magkahalong galit at lungkot sa mata niya na agad niyang pinawi.

"Why don't you pursue your ex-girlfriend?" Lumapit siya sa akin. "And if you can't tame her then stop. Stop taming a slut like her. Kathryn is out of this."

Kumuyom ang kamao ko sa pinagsasabi niya. Mabuti nalang ay umalis na siya sa harap ko bago ko pa siya masuntok.

Umalis akong dining area at umakyat sa kwarto para kunin ang susi ko. I need to escape.

"Nag-away kayo ni Wade?" Tanong ni Carson.

Hindi niya parin ako nililingon dahil sa busy ito sa kanyang papeles na kaharap.

"Malamang." Sagot ko at humalukipkip.

"Tattoo-an nalang kita." Aniya.

"I hate tattoos."

"Oa mo naman." Pagmamaktol nito at tiningnan ako. "Stress lang siguro yung Kuya mo. Alam mo naman, siguro na paginitan yun ng head niya."

"Yeah, whatever."

"So gay!" Natatawang anang niya.

"So adik!"

"At least gwapo!" Humalakhak siya at binato ako ng chuckie.

"You know me all too well."

"Sinong hindi makakilala sayo, eh, yan na yan ang laman ng ref mo." Umiling ito at nagtype sa laptop niya.

"Ka bagot naman sa office mo."

"Wag kang reklamador, Wayne!"

Tumawa lang ako at pinakailaman pa ang ibang gamit niya dito. Nang wala na akong magawa ay pinicturan ko si Carson at minyday ko sa ig ko. Looking for sugar mama'

Ang mga gago nag-chat agad sa gc.

Mark: reto ko kapit bahay namin @Carson

Joseph: Mali yun Wayne! Dapat looking for sugar Daddy HAHAHAHA

Mark: bakit sugar daddy eh pwede namang ikaw nalang HAHAHAH

Joseph: fuck you Mark! Wala kang libre sa Bar ko mamaya!

Rafaeil: (sent a picture; ito yung picture na nagmake up si Mathew at para siyang nevermind HAHAHA) reto ko sugar mama ko hehehehe

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now