KATH’S POV
“Sinong ama nito?” tanong ni Mama sabay tuuro sa tiyan ko.
Hindi agad ako nakasagot. Pinoproseso pa ng utak ko kung paano niya nalaman, siguro dahil nasa hopital ako kaya nya nalaman. Hindi ko alam kung anog gagawin.
“You’re 5 weeks pregnant at wala ka pang balak na sabihin sa akin?” lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Sinong ama niiyan?” ulit niyang tanong.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya. “Ma..” naisambit ko bago nagsituluan ang luha ko.
“Hush.. Kath,” niyakap niya ako at pinatahan.
“M-ma.. sorry k-kung naging pabaya a-ako..”
“Hush.. sabihin mo lang sa akin kung anong nangyari,” pumiyok ang boses niya ng sabihin iyon.
Pinatahan niya muna ako bago sabihin ang lahat. Simula nun sa party hanggang sa pagsusuka ko nung nakaraang buwan. Hindi ko alam kung anong hiya ang kinain ko kanina para harapin sya ng ganito. Bago na bago lang talag kami nagkita pero ganito na ang ginawa ko sa kanya. Hiyang hiya ako s ginawa ko sa kanya.
“Kakausapin ko si Wayne tungkol dito,”
“Ma.. pwede bang wag nalang?”
“A-anong..” napatakip siya sa bibig niya. “Wag mong isipin yan,”
“Ako nalang ang magsasabi sa kanya.”
“Kath,” hinawakan niya ang kamay ko at tumango lang ako sa kanya.
“Ma.. kaya ko to,” sabi ko.
Pagkatapos ng nangyari ay hindi na ulit namin pinag- uusapan ni Mama ang nangyari at hindi ko alam na alam ba ni Kuya ito kasi sakto lang naman ang pakikipag- usap niya sa akin at walang halo na galit o ano man.
At tungkol naman kay Wayne ay wala akong lakas na sabihin to sa kanya ang tungkol dito. Sa tuwing nakikita ko siya ay nag- aalinlangan ako na sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
At tungkol naman sa kaibigan ko ay alam na din nila lalo na si Astrid. Yung mga lalaki gusto na sanang sugurin si Wayne kaso a pinigilan ko at sinabi na ilihim na lang ito. Ayaw ko na nang gulo. At ayaw ko na din pahirapan pa siya sa buhay niya lalo nat hindi na sya sinusuportahan ng pamilya niya.
Ayaw ko ng dagdagan ang problema na gusto ko akin nalang to.
“Shit Kath, lumalaki na ng kkaunti yang tiyan mo at wala ka paing balak na sabihin yan?” tanong ni Scar.
“Oo nga. Gusto mo ba na ako na ang magsabi kay Wayne niyan? Haluan ko pa ng suntok.” Ani Ave.
“Gagi ka talaga Ave!” sabay hampas ni Claire sa kanya.
YOU ARE READING
My Heartless Husband
RandomKathryn was abused and forced to marry the man she didn't love. But, when they live together there's still no differences because her husband still hurt her. Will the fate of Kathryn's life change if her husband find out that she was abused?