CHAPTER 1

988 7 0
                                    

KATHRYN’S POV


NANDITO ako ngayon nakatayo sa harap ng aming University, ayaw ko ng pumasok gayong makikita ko naman ang lalaking palagi kong hinahabol habol. Hindi ko lang sya hinabol dahil sa may nararamdaman ako sa kanya kundi dahil may kailangan ako sa kanya. Kailangan kong magpakasal sa kanya dahil malulugi na talaga ang kompanya namin pag hindi kami magpakasal.

Humakbang ako papasok sa University para simulan ang aking araw, mabuti nalang at hindi ako na late.

“Oh, ito na pala si Kathryn, eh.” pansin ng aking kaibigan na si Claire kasama sina Jane at Scarlet.

Bumati ako sa kanila at tsaka sabay kami na pumasok sa room. 3rd year college na ako.

"Grabi walang pinagbago pa din si Wayne," anang Scar.

“Oo nga, eh. Nakakatakot talaga sya nung magkasabay kaming maglakad, hindi man lang ako binalikan ng bati o binalingan man lang nung nag good morning ako sa kanya.”  Anang naman ni Jane.

“Ay as in? Sabi kasi sakin ni pres. You’re just nothing lang kasi kaya ka hindi nya pinansin.”  sabay naman kaming humalakhak dahil sa biro Scar.

“Tamlay mo, ah.” Tanong ni Claire sa akin.

“Ha? Hindi naman.” Sagot ko.

“Ay, hagard ang lola nyo? Eh, di pa nga nagsisimula ang klase matamlay na. Pano nalang kaya kung nasa gitna na, eh. Manlanta na.” Ani ni Scar.

“Ay cr muna ako, ha.” Paalam ko sa kanila.

“Hoy! Ten minutes nalang magsisimula na ang klase natin!” Dinig kong sigaw nila.

Kailangan kung puntahan si Wayne para matapos nato, pwede naman kami na magpakasal tapos mag file ng divorce paper. Di ba?

Oh sadyang pakipot lang talaga sya.

Tumakbo ako papunta sa SSG office tapos kumatok ng tatlong beses.

“Come in.” Maawtoridad nyang sagot. Boses palang katakot takot na pano nalang kaya kung matitigan mo na.

Pumasok ako sa loob tapos umupo sa upuang kaharap ng kanyang mesa. Hindi nya pa ako tinitigan dahil abala sya sa mga papel na kanyang kaharap.

“I need to talk to you.” Sabi ko. Dahan dahan nyang inangat ang kanyang tingin tapos blangko akong tinitigan. “Alam kong palagi kitang kinukulit pero please kailang—”

“Get out.” Sagot nya.

“Please nagmamakaawa ako, kailangan talaga kita.” Nagmamakaawa ang boses kong pakiusap sa kanya.

“I’m not interested of your proposal.”

“Please, please, kailangan na kailangan na talaga kita.. pwede naman tayo na magfile ng divorce paper.” Nakikiusap na pagkasabi ko.

“My father will not agree, he hates divorce paper.” Sagot nya.

“Or, maybe we just need to pretend that we’re okay if they’re around.” Sabi ko.

Tinitigan nya lang ako ng mabuti pagkatapos ay ngumisi.

“If that’s what you want, I’lI give you then.” Sagot nya.

Naiiyak akong tumingin sa kanya at yumuyuko na nagpasalamat sa kanya.

“Maraming salamat, itatanim ko ito na utang na loob.” Pasalamat ko pagkatapos ay umalis na at ngumingiting umalis.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now