CHAPTER 12

251 8 3
                                    

KATHRYN'S POV


Bumaba ako nang matapos maligo para mag-almusal. Dumiretso akong dining at ngiti ni Mama ang sumalubong sa akin, sunod, si Kuya. Umupo ako kaharap kay Kuya at binati sila.

"Ipapahatid kita sa Kuya mo," anang Mama.

Nag-angat ako ng tingin at umiling. "Pwede, ikaw nalang po,"

Ngumiti siya at sinandukan ako. "Pwede naman."

"Thank you po."

Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang kabahan, na masaya, na excited. Magkahalo ang nararamdaman ko. Hindi ko ma-describe.

"Are you okay?"

"Oo naman po,"

"If you feel your scared, do not hesitate to tell me,"

"Hindi naman po ako takot.. m-masaya lang d-dahil nakasama ko na ulit kayo."

Sinagot niya lang ako ng ngiti at hinawakan ang aking kamay. Nginitian ko din siya pabalik at tumingin nalang sa bintana.

"Ingat po kayo."

"Ikaw din. Wag paka stress. I love you anak."

Ngumiti ako ng marahan at hinalikan siya sa pisnge. "Mahal din kita, Ma."

Alam kong bago lang to, pero ito talaga, kailangan kong umayos ng kilos. Kilos na hindi lang kami bago nagkakilala. Yung parang pagkasilang hanggang sa paglaki ko ay don talaga ako sa piling niya lumaki.

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa Department namin pero napatigil din kalaunan ng may umakbay sa akin. Hindi ko na kailangan pang lingunin ito dahil sa amoy palang kilalang kilala ko na talaga ito.

"Ano na naman?" Naiirita kong tanong.

"Wow! Irita much sis! Wag ganon Kath! Di porket na dagdag si Liza sa gc natin irita na!"

Napatawa ako ng peke at siniko siya. "Hindi ka na updated?"

"Aray, ha!" Reklamo niya ay hinimas himas ang kanyang tiyan. "Hindi na kasi ako nakakapag open don. Minu-mute ko na kasi---"

"Ano?!"

Sinuntok ko siya at ang gago tumakbo kaya ang ending ay hinabol ko siya. Naghabulan lang kami, at ng mahabol ko na siya ay binatukan ko siya ng paulit-ulit at sinuntok sa brason.

"Aray! Tama na!"

"Tse!"

Tinalikuran ko siya at nagmartsa ng mabilis papunta sa Department namin.

"Na busy na kasi ako," hinawi ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Pero may nabalitaan ako, Si Sean ay ka char or nanligaw ni Jane."

Tiningala ko siya at nagulat din dahil sa nagpa retainer na ang gago.

"Wow! Kelan yan?!"

"Ah, ito?" Sabay turo sa kanyang retainer. "Kahapon lang to."

"Maganda, ah. Bakit pala hindi yung clear na retainer ang pinalagay mo diyan?"

"Ahh.. yung Essix retainer hindi ko lang gusto. Maganda naman pero di ko lang gusto talaga."

"Bakit?"

"Pagmagto-toothbrush ka, kailangan mo pa talagang tanggalin yun, worst pa masakit talaga yun tsaka di naman babagay sa akin yun dahil nawala na ang design ng ngipin ko."

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now