CHAPTER 5

319 5 1
                                    

"She's my wife." Pagtatapos nito sa iba pang sasabihin ni Liza.

Literal na nanlaki ang kaniyang mata at napa O naman ang bibig ni Jasper.

"I didn't expect your answer that you're already married." Anito at halatang di makapaniwala at 'di parin ma wala ang kanyang pagkabigla.

"Well, I wasn't too." Sabat ni Jasper.

"A-alam ninyo ito lahat?" Tanong ni Liza.

"Yes." Sagot ni Clark.

"Gagi ka pre! 'di mo sinabi sa akin, 'yan tuloy napa-uncrush pa ako kay Kath, ng wala sa oras!" Anito at bahagyang sinapak si Clark.

"'Di naman ako tsismoso na kagaya mo." Anito.

"Tss." Naisagot nalang ni Jasper.

"Pero teka! Kelan na ganap ang kasal?" Tanong ni Liza. Kinilig pa ang tangina.

"Hindi na namin matandaan. Matagal na kasi." Ako na ang sumagot dahil gusto ko na talaga na matapos ang tanong ni Liza.

"Nope. Last week." Sagot ni Wayne.

Nanlaki ulit ang mata niya.

"Shocks! Grabi! 'di ako makapaniwala pres." Pabulong niya itong sinabi at bahagyang nilapit ang mukha kay Wayne.

Ngumisi lang si Wayne at sumandal sa sandalan ng upuan 'tsaka naka cross arm na tumingin kay Liza. May ngisi parin ang kanyang labi.

"Ikaw, ah!" Nilingon ako ni Liza. "Ba't 'di mo sinabi na kasado kana pala? Alam ko naman na bago lang tayong naging magkaibigan pero sana ay sinabi ninyo manlang sa akin para hindi naman ako napaglilihiman. 'Di naman ako madaldal, ah! Makulit nga lang." Mahaba nitong lintaya.

"Tss. Ang OA mo kasi. First impression iyan sa'yo." Ani Scarlet.

"Tsk! Nagsalita na naman ang maldita. 'Di na talaga ako magtataka kung di kana makahanap ng Jowa!"

"I don't need someone to love me."

"Yeah, because all you have is yourself at the end of the day!"

"Ginamit pa talaga ang lyrics ni Olivia Rodrigo ng All I Want. Pinalitan mo lang ng You iyong I."

"Bakit ba?!"

Inismiran lang siya ni Scarlet 'tsaka ay nagpalumbaba ito.

"I have so many many many questions for you Mr. President."

"Are you a Journalist?"

"Tsismosa iyan ang tawag sa akin hindi jousrnalist dahil hindi iyan ang kinuha ko."

Hindi manlang nakuha tumawa ni Wayne, kahit na nagbibiro iyong tao. Sabagay seryoso nga pala siya palagi, kelan ba siya tumawa? Ni galit lang ang nakita kong emosyon sa kanya, eh. Wala ng iba.

"Pano kayo nagkakilala ni Kath?" Kinilig na tanong ni Liza.

Tiningnan ko si Wayne na kampante lang na nakaupo. Nakangisi kahit na seryoso.

"Actually, we just know each other when our parents arranged our marriage." Anito.

Bakit ba napaka-honest niya?

Nope! Nagsinungaling nga iyan Kath. Hindi niya kailanman sinabi sa pinsan niya na sinaktan niya ako.

"So.. hindi kayo nagkainlaban(in-love-ban)?"

Umiling ito.

"Ay.." Nanghihinayang na aniya. "Pero merong chance?" Nae-excite na tanong nito.

Tiningnan ko pa muna si Wayne bago ko ito tingnan si Liza. Ako na talaga ang sasagot.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now