KATHRYN’S POV
Nang dahil sa nalaman ko ay kinuha ko ulit ang alak na ibinigay na isinerve ng waiter. Si Astrid ay tita ko at siya ang magiging bagong Walter. Tsk! Masasaktan si Clark nito.
Nang matapos ang pagpapakilala ay bumaba na siya ng maliit na stage at lumibot libot kasama ang mga magulang niya para maipakilala siya. Lumingon lingon ako sa paligid. Hinahanap na baka ay may lunapit sa kanilang lalaki, pero wala. Walang lalaking lumapit sa kanila.
Kailangan kong makausap si Astrid.
Nang akma akong tatayo ay hinawakan ni Wayne ang pulsuhan ko.
“San ka pupunta?” Tanong niya.
Tiningnan ko siya at kinuha ang pagkakahawak niya sa akin. “Kailangan kong makausap si Astrid.”
Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. “Sasamahan kita,”
“Wag na, kaya ko naman to.” Agad akong tumanggi.
“Kath?” Anito na parang nakikiusap na sumang-ayon nalang ako.
Tumango ako at nagsimula na kaming humakbang papunta sa direksyon nila. Habang papalapit nang papalapit ako kay Astrid ay parang nakikita ko ang mukha ko sa kanya ng kaunti. Nahahawig din ako sa kanya, bagay na ikinangiti ko.
Napalingon sila sa direksyon namin ni Wayne na papalapit sa kanila. Hinarap nila kami at nginitian. Habang peke naman akong ngumiti sa mga magulang ko kuno.
“Ngayon lang po tayo ulit nagkita, tita, tito.” Magalang na anang Wayne.
“Oh, Wayne, hijo! Nagagalak akong makita ka ulit hahahah!” Anang Papa—Lolo at tumawa tawa pa.
Hindi ko na nakayanan kaya tumikhim ako. “Nice meeting you.. tita, tito.” Nakangisi kong pagbati sa kanila.
Bigla silang napatigil at nanlamig na tumingin sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay nila.
“Hija! Mabuti naman at nagkita tayo!” Halis magkanda utal-utal si Mama—Lola sa pagsasalita. “Ay! Anak ko pala si Astrid”
“Pinakilala niyo na po siya kanina,” nakangiti pa din akong nakatingin sa kanya, kaya binaling ko ang tingin ko kay Astrid. Nakangiti siya sa akin ngayon.
“Astrid Coraline Velasquez.” Pakilala niya at naglahad ng kamay.
“Kathryn Velasquez—Walter.” Bahagya siyang nagulat dahil sa sinabi ko sa kanya ang apelyedo ko sa pagkadalaga.
“Ka ano—” hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita dahil umangkla ako sa braso niya.
“Pwede ba tayong mag-usap sa labas? Yung tayong dalawa lang sana.” Sabi ko. Kahit na nahuguluhan siya ay tumango padin siya.
“T-teka ipapakilala ko pa si Astrid sa—”
Hindi ko na pinatapos si Mama—Lola dahil nagsalita na ako. “May itatanong lang po ako sa kanya.” Humiwalay muna ako sa pagkaka-angkla sa braso ni Astrid dahil lumapit ako sa kanila at bumulong. “May puso naman ako, hayaan niyong siya ang magkwento sa inyu, pagkatapos.”
Yumakap ako sa kanya at umangkla ulit sa braso ni Astrid tsaka siya dinala sa labas. Pagdating namin sa labas ay bumitaw ako sa kanya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. At hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
“Uhm, hi!” Napalingon ako sa kanya. Ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya kaya ngumiti din siya sa akin pabalik. “A-anong pag-uusapan natin?”
YOU ARE READING
My Heartless Husband
RandomKathryn was abused and forced to marry the man she didn't love. But, when they live together there's still no differences because her husband still hurt her. Will the fate of Kathryn's life change if her husband find out that she was abused?