Jasper's POVLast year ko na sa college at ngayon lang ako pinayagan ni Kuya Paulo na magdorm. Nakikita ko kasing nahihirapan na siya sa paghatid sundo sa akin dahil busy na siya sa work niya kaya nagdorm na ako. Ayaw pa sana niyang pumayag pero wala na rin siyang nagawa no'ng ako na mismo nag asikaso ng paghahanap ng dorm kasama si Stell.
May dorm na minamanage ang school namin at pahirapan ang pag apply dito dahil sa daming gustong mag avail. Mas maganda kasi lalakarin lang papuntang campus kaya hindi hassle kaysa magcommute pa.
Tinulungan ako ni Stell sa pag-aapply kasi dapat maaga raw magsubmit ng application. Buti na lang at nakahabol pa. Sayang at hindi ko roommate si Stell. May naka-assign na kasi sa kanya. Dati pa kasi siyang nagdo-dorm kaya naiinggit ako sa kanya kasi fresh na fresh sa umaga. Samantalang ako, banas na. Minsan kasi nagco-commute ako kapag hindi ako nahahatid ni Kuya Paulo.
"Buong wardrobe yata dala mo Jas." Bungad sa akin ni Stell. Tutulong daw siya sa paghahakot ng gamit ko.
"Kaunti nga lang 'tong dala ko oh."
"'Wag mo naman ipamukha sa akin na marami kang gamit. Marami rin kaya akong damit pero hindi ganito karami."
"Haha Baliw! Ikaw 'yang nagpresenta na tulungan ako tapos ngayon magrereklamo ka?"
"Kahit na hindi ako magpresenta, wala naman akong choice. Ako lang naman kaibigan mo."
"Sabi ko nga."
"Anong floor ka raw ba?"
"Fifth floor. Room 507"
"What? Ang layo mo naman!" Nasa second floor lang kasi siya. Eh mas nauna siya rito eh. Malamang kaming mga baguhan sa taas.
"Ano namang magagawa ko? 'Yan ang binigay nila sa akin eh." Sabi ko sa kanya. "Tama na ngang satsat. Tulungan mo na ako rito."
"Libre mo talaga ako pagkatapos nito ha."
YOU ARE READING
Unconsciously, It's You | A KenTin AU
FanfictionWhat will happen if Jasper (JDD) crossed paths with Kent (FJS) after rejecting him a year ago? Will he still feel the same as before or will he unconsciously fall for him?