UIY 11 - END

964 35 7
                                    

Jasper's POV

"Uy, ano'ng chika?"

"Kami na."

"Nino? Don't tell me?" Tumango-tango ako sa kanya para konpirmahing tama ang hinala niya.

Nanlaki naman ang mata niya at nandilim ang aura. Hindi ito ang reaksyong gusto kong makita sa kanya.

Akala ko ba boto siya kay Kent? Bakit parang hindi siya masaya?

"Ang sinabi ko sa kanya mag-usap lang kayo, ba't naging kayo na? Mahal mo parin siya?"

"Ha? Oo nag-usap kami at oo mahal ko siya. Nag-usap din kayo? Kelan? Ano'ng sinabi mo sa kanya?"

"Na 'wag ka na niyang guluhin pa. Gusto ko lang naman makamove-on na kayo sa isa't isa at pag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan kaysa parati mo siyang iniiwasan."

"Pareho ba tayo ng channel Stell? I think we're not connected. Sino ba'ng tinutukoy mo?"

"Si Josh?"

"Eh? Si Kent kasi ang minimean ko. Sira!" Humagalpak kami ng tawa dalawa dahil sa hindi magkasalubong ang aming pinag-usapan.

"My ghad! Akala ko nagkabalikan na kayo! Ready na ako manugod eh! Ano ba naman 'yan!"

"Akala ko rin si Kent ang minimean mo! Hahaha So kinausap mo si Josh? Diba galit ka doon? Ni ayaw mo nga ipakausap sa akin eh."

"He confessed na nagsisisi na raw siya sa ginawa niya sa'yo ang gusto ka raw niyang makausap sana kaso parati mo nga siyang iniiwasan so ayun. Humingi ng tulong sa akin. Though hindi naman niya ako gano'n kadaling mapaniwala pero medyo sincere naman siya ngayon."

"Sabi ko sa kanya nasa sa'yo parin 'yon kung kakausapin mo siya pero hindi ko na siya pipigilan pa kung gusto ka niyang kausapin. Parati raw kasi akong naka gwardiya sa'yo kaya hindi siya makatyempo."

"Pero paanong naging kayo ni Kent?" Kinwento ko na sa kanya mula umpisa hanggang sa naging kami. Niyakap niya ako ng mahigpit dahil sa tuwa.

"I'm so happy for you bestfriend."

"Thank you bestfriend."

"Sinabi mo na ba sa Kuya mo?"

"Hindi pa. Balak ko sanang umuwi ngayon. Total weekend naman. Isasama ko si Kent."

"Mas mabuti 'yan. Alam kong matatanggap siya ni Paulo."

"Sama ka?"

"Eh? 'Wag na. Para makapag-usap kayo ng maayos ng kuya mo."

"Sama ka na para may partner rin si Kuya. Baka hanapin ka no'n sa akin. Tsaka baka mabadmood pa 'yon at hindi tanggapin ang pagmamahalan namin ni Kent."

"Gaga! Hindi ako hahanapin no'n. Hindi na nga siguro niya ako naaalala."

"Bestfriend hindi kita pinalaking ganyan! Sasama ka, sa ayaw at sa gusto mo. Periodt!"

"Ay dissition ka teh?"

Wala na siyang nagawa kundi sumama sa amin ni Kent. Para naman siyang naging thirdwheel sa amin kaya masama ang timpla. Hindi na lang kami masyadong naghaharutan pni Kent, respeto na rin sa kanya. Haha

-

"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ka nagtext sa akin na uuwi ka ah. At bakit kasama si Kent at Stell?" Bungad ni Kuya Pau sa amin pagkadating namin sa bahay.

"Ayaw mo ba?" Tanong ni Stell pero umiwas ng tingin si Kuya. 🤔

"Pasok muna kami Kuya ha. Parang ang pangit naman dito tayo talaga ltayo sa pintuan mag-uusap." Tumawa naman ng bahagya si Kuya ng marealise niyang nasa pintuan pa kami. Pinapasok niya rin kami at pinaupo sa may sala.

"Ba't hindi kayo nagsasabi na pupunta kayo rito? Hindi tuloy ako nakapaghanda."

"'Wag ka ng mag-abala pa Pau. Kami na nagdala ng pagkain." Inangat naman ni Stell ang supot na may lamang mga pagkain na kanina pa niya hawak-hawak.

"Actually, mamanhikan talaga si Kent-Ouch!" Dagdag pa niya. Siniko ko naman si Stell dahil sa sinabi niya. Mali yata ang desisyon kong isama si Stell.

"So kayo na." Napalingon kaming lahat kay Kuya Pau dahil sa sinabi niya.

Bagay talaga silang dalawa ni Stell. Parati kaming inuunahan. Apaka dissition!

Humarap ako kay Kent. "Ano pa bang ginagawa natin dito? Tinapos na nila ang usapan. Tara na." Pabiro ko namang hinila si Kent patayo. Tumawa naman siya at pinisil ang ilong ko.

"Respeto naman sa mga single ano? Kanina pa kayo naghaharutan sa sasakyan ha. Nakakarindi na kayo."

"Ang bagal niyo kasi." Puna ko kay Stell at inirapan niya lang ako.

Nagkwentuhan lang kami after ng confession (?) namin. Kung matatawag pa 'yong confession kasi inunahan na nila kami. Hindi naman na nagtanong si Kuya Paulo kung paanong naging kami. I know that he trusts my decision. Kita naman sa mukha niyang masaya siya para sa akin. Siya talaga 'yong epitome ng 'man of few words'.

"Uy bakit niyo ako iiwan dito?" Pagrereklamo ni Stell. Halatang kabado na maiiwan na sila lang dalawa ni Kuya sa bahay.

"Bakit kabadong kabado ka diyan?" Puna ni Kuya sa kanya. "Para namang may gagawin ako sa'yo." Namula ang mukha ni Stell sa sinabi ni Kuya.

"Hoy, anong nangyari sa Kuya mo? Hindi naman 'yan siya ganyan magsalita ah." Bulong ni Stell sa akin pero tinawanan ko lang siya.

"Eh bakit hindi mo siya masagot kung bakit kabado ka? Pa-ayaw ayaw ka pa, eh gusto mo rin naman masolo si Kuya."

"Syempre pero hindi dito noh. Hindi pa ako ready for mature roles."

"Ang dumi ng utak mo Stell. Hahaha. Sabihin mo nga 'yan sa kanya ng deritso."

"Apaka supportive talaga ng bestfriend ko." Sarcastic niyang sabi.

Papunta kami ni Kent sa sementeryo para bisitahin ang puntod ng parents ko. Never pa akong nagdala ng boyfriend ko sa puntod nila kaya siguro hindi nagtatagal kasi walang basbas nila. This time I'm hoping na siya na kasi kung hindi siya, 'wag na lang.

Matapos ko siyang ipakilala kila mama at papa ay nagdasal muna kami para sa kanila.

"Thank you for bringing me here, Langga."

"Thank you for waiting for me." I said and he kissed me on the forehead.

"Always Langga. If it's you, I'm willing to wait."



Thank you Langga for not giving up on me. Thank you for patiently waiting until I'm able to love again. You showed me that love shouldn't wreck you, but build you. Thank you for showing me how a person should love and be treated. That made me realised that I'm loving the wrong person and unconsciously, my heart starts to beat for you.



-end

ʚїɞ kentintrovert ʚїɞ

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now