UIY 8

563 9 2
                                    

Jasper's POV

"Kayo na raw ni Kent?" Bungad na tanong ni Stell sa akin.

"Ha? Saan mo naman narinig 'yan?"

"Kalat na kalat na kaya. Ako na lang yata hindi nakakaalam. Bestfriend mo ba talaga ako?" Ayan at nagtatampo na.

"Hindi naman kasi totoo 'yon! Ano ka ba. Kung magiging kami man, ikaw ang unang makakaalam."

"Eh? Sabi nila magkaholding hands pa raw kayo at sobrang sweet pa. So ano'ng tawag do'n?" Taas kilay niyang tanong.

"Tangi! Tinulungan niya lang ako no'n. Nangungulit na naman kasi si Josh."

"Eh? Bakit ka naman niya tutulungan? Anong tulong naman 'yon? Magpanggap na kayo na?"

"Ha? A-ano. . . ewan. Parang gano'n na nga."

"Halata namang gusto niyo ang isa't isa. Ba't hindi mo pa siya sagutin?"

"Hindi ko siya gusto no! Ano bang pinagsasabi mo?"

"Kakadeny mo diyan, baka maagaw pa siya ng iba."

"Tsk, sabi niya ako lang naman daw ang Langga niya." Pabulong kong sabi.

Ok lang naman sigurong umasang ako lang diba? Aantayin niya naman siguro ako hanggang sa kaya ko ng magmahal ulit diba?

"May sinabi ka?"

"Wala. At tsaka hindi naman siya nanliligaw sa akin." Totoo naman. Wala namang siyang sinabi sa akin na liligawan niya ulit ako.

"So ano? Tamang landian lang? Gano'n? Ewan ko sa inyong dalawa."

"Hindi kasi gano'n, okay? Tinutulungan niya lang ako. Hindi lang kay Josh pati na rin sa sarili ko. Marami siyang pinarealise sa akin lalo na ang worth ko."

"Alam mo, sa lahat ng mga nanliligaw sa'yo, kay Kent lang ako boto. Kasi simula noon paman ikaw na at alam ko kung gaano ka niya minahal. Pero ikaw 'tong nagbulag-bulagan kaya napunta ka sa maling tao. Sana naman ngayon, tama na magiging desisyon mo."

"Oo na. Alam ko naman 'yon. Kasama na 'yon sa mga pinarealise niya sa akin."

"Baka manok ko 'yan! Haha"

"Sayo?"

"Eh? Namamakod? Kayo na ba?" Sinamaan ko lang siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.

"Balik na nga lang ako sa kwarto ko." Padabog akong tumayo at maglalakad na sana palabas ng kwarto niya pero hinila niya agad ako pabalik sa inuupuan ko.

"'Di naman mabiro 'to. Nangako ka kayang magsleep over ka dito." Wala raw kasi ang roommate niya kaya inaya niya akong dito matulog.

"Oo na." Nagkwentuhan lang naman kami buong gabi lalo na mga rants niya about kay Kuya.

-

-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now