UIY 10

628 12 1
                                    

Kent's POV

Nagising akong masakit ang ulo ko at uhaw na uhaw. Babangon na sana ako para uminom ng tubig ng maramdamang may mabigat na nakadagan sa kanang braso ko.

Nang tingnan ko kung ano 'yon ay sino pala at hindi ano. . . si Jasper na mahimbing ang tulog at nakayakap pa isang kamay niya sa katawan ko.

Ano'ng nangyari? Ba't dito siya natulog? Diba nagkabalikan na sila ni Josh? Ba't andito siya sa tabi ko?

Sa dami ng tanong ko sa isip ko ay mas lalo pa tuloy sumakit ang ulo ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko para hindi siya magising pero nagising ko ata siya. Nakalimutan kong mabilis pala 'tong magising kahit kaunting alog lang.

"Good morning Langga." Nakangiti niyang bati sa akin at hinalikan ako. . . sa labi?! WTH! Ano'ng nangyayari?!?

Gusto ko mang kiligin dahil first kiss namin 'yon at finally tinawag niya rin akong Langga pero damn! Bakit?!

"Jah" Naguguluhan kong tawag sa kanya.

"Tsk! Sabi ko na nga ba. Hindi magandang mag-usap tayo ng lasing ka. Bahala ka nga diyan! Alalahanin mo kung ano'ng nangyari kagabi. Hindi ko sasabihin sa'yo!" Nakabusangot niyang sabi sa akin at masama yata ang loob na hindi ko maalala ang mga nangyari kagabi.

Ano ba kasing nangyari? Nag-ano ba kami?! Gago ka Kent! Ano ba 'yang pinag-iisip mo?? . . . Hindi naman siguro no? Aaaaahhh! Ano ba!!!?

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin ang tumayo. Ako naman dito ay pinipilit ang sariling maalaala kung ano mang nangyari o pinag-usapan namin kagabi na dahilan kung bakit hinalikan niya ako kanina kasi sasabog na yata ang ulo at puso ko dahil gulong-gulo na ako.

So . . . first, hindi ko alam kung anong oras na akong nakauwi kagabi basta ang alam ko lang ay nakauwi ako at . . .at andito na si Jas no'ng dumating ako. Hmm. . . mukhang hinintay niya ako dahil sa study table niya na siya nakatulog.

Wait! Bakit ko 'yon ginawa?? Gago ka talaga Suson! Ba't mo tinabig ang kamay niya?! Tinutulungan ka lang niya eh. . . and fvck! Umiyak ako at . . . siya. . .



[Flashback]

Third Person's POV
Papanhik na sana si Jasper sa kama niya ng maalalang hindi pa nakapagbihis si Kent dahil sa nangyari. Muli siyang bumalik sa kama nito at umupo.
Mabilis na niyang binihisan ito dahil baka magising na naman.

Aalis na sana siya ng biglang yakapin ni Kent ang bewang niya.

"Hoy Kent, bitaw na." Mahinang wika ni Jasper habang pilit na tinatanggal ang mga braso nitong nakapulupot sa bewang niya.

"Ayaw." Umiiling-iling pa ito habang nakayakap.

"Gising ka pala? O natutulog-tulugan ka lang?"
"Ginising mo ako."

"Ay sorry na. Tinulugan mo nga ako kanina. Nag-eemote pa tayo eh." Tumawa naman ng mahina si Kent sa sinabi ni Jasper.

"Ayan mag lasing ka pa ha. Sige na matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap. 'Yong nahimasmasan ka na. Baka mamaya tutulugan mo lang din ako."

"Hindi na. Gising na gising na ako eh."

"So pwede na tayong mag-usap?"

"Hmm." Bumangon si Kent at umupo sa kama niya habang kaharap si Jasper.

"So ba't ka naglasing?"

"Tss alam mo naman ang dahilan, ba't mo pa tinatanong?"

"Alam mo matulog ka na lang." Naiinis na sagot ni Jasper at tatayo na sana siya pero hinila siya pabalik ni Kent paupo.

"Tsk. Ikaw kasi." Binitawan niya ang kamay ni Jasper ng maalaala kung bakit siya nagpakalasing. May kung anong kirot namang naramdaman si Jasper dahil sa ginawa nito. "I'm sorry, hindi na pala kita dapat niyayakap at hinahawakan. Baka magalit ang boyfriend mo." Malungkot nitong saad.

"Hindi pa nga kita sinasagot, boyfriend agad? Ahh . . . tama. My bad, hindi ka na pala nanliligaw." Nakakunot ang noo ni Kent habang nagsasalita ang nasa harap nito. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.

"Jah, si Josh ang tinutukoy ko. At tsaka never ko naman sinabing hindi na kita liligawan kahit na binusted mo na ako." Napangiti naman ito sa sinabi ni Kent. "Boyfriend mo na siya diba?" Dagdag pa nito.

"Boyfriend ko? Hmm? Ba't hindi ko alam?" Pabirong sagot nito.

"Jah, hindi ako nagbibiro."

"Hindi rin ako nagbibiro Kent. Walang kami okay? 'Yong narinig mo, sinabi ko lang 'yon sa kanya kasi ayokong niloloko ko siya kasi parang wala rin akong pinagkaiba sa kanya kung lolokohin ko rin siya. Hindi mo kasi ako pinag explain eh."

"Never na magiging kami, okay. Kasi hindi na siya." Nakangiti nitong saad.

"Ang alin?"

"Ang mahal ko."

"Hmm? So sino?"

"Ikaw."





Unconsciously, I fell in love with you Langga.




"Ako?" Tinuro pa niya ang sarili niya para masigurado.

"Oo."

"Mahal mo ako?"

"Oo nga. Ang kulit mo naman. Ayaw mo?"

"I love you." Niyakap ni Kent si Jasper dahil sa tuwa. Niyakap naman siya pabalik nito.

"I love you too Langga."

[End of Flashback]



Kent's POV

Ang tanga mo Kent! Pinakaimportanteng nangyari sa'yo, nakalimutan mo?

Bumangon agad ako at sinundan si Jasper na pumunta sa mini kitchen at nag-iinit ng tubig.

Ang aga-aga masama na ang loob sa akin. Hindi pa nga kami umabot ng 24 hours eh. Tsk.

"Langga, sorry na." I hug him from behind and lean my chin on his shoulder.

"Heh! 'Wag mo akong ma langga-langga diyan. Hindi tayo bati."

"Sorry na kasi. Timplahan na lang kita ng paborito mong creamy latte."

"Hindi ako marupok."

"Okay lang maging marupok Langga, basta sa akin lang." Hinarap ko siya sa akin at nakanguso pa ito. Halatang nagtatampo. Dahil sa kacutetan niya hindi ko na napigilang halikan ang nakanguso niyang mga labi.

Inirapan lang niya ako pero ngumiti rin kalaunan.
"Sorry na okay? Hindi na talaga ako maglalasing. Promise."

"Pwede ka naman uminom, 'wag lang maglasing o kaya dapat kasama ako."

"Oo na po."

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Akin ka na Jah." Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. "I love you, Langga."

"Saan na ang creamy latte ko?" Mapang-asar niyang tanong.

"Wala man lang 'I love you too'?"

"I love you too. Okay na? Creamy latte ko?" We just laughed at how silly we are.



ʚїɞ kentintrovert ʚїɞ

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now