UIY 9

594 9 1
                                    

Jasper's POV

"Ano'ng na namang ginagawa mo rito?" Inis kong tanong sa taong nakatayo sa labas ng classroom namin.

Tapos na ang klase at papunta na sana ako sa building nila Stell dahil plano naming mag grocery ngayon ng harangin ako ng taong pinakaleast kong gustong makita ngayong araw na 'to.

"Bakit ba parati mo akong iniiwasan Jas?"

"Magkaiba 'yong iniiwasan sa ayaw makita Josh." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Can we please talk? 'Yong matino sana Jas."

"The problem is hindi naman matino ang kausap ko."

"Jas"

"What?"

"Gusto mo ba talagang dito tayo mag-usap? Pinagtitinginan na tayo." Napatingin ako sa paligid at nakatingin nga ang mga kaklase ko sa amin.

Inaya ko na lang siya sa cafè malapit sa school. Naisip kong 'pag parati ko lang siyang iiwasan eh wala rin namang mangyayari. Mas mabuti na sigurong pag-usapan ang dapat pag-usapan.

Nang makarating kami sa cafè ay humanap ako ng pinakasulok na table para hindi masyadong nakikita ng ibang customer.

"Ano'ng gusto mo Jas?"

"Kahit ano na lang."

Pagkabalik niya ay may dala na siyang dalawang iced americano.

"Thanks." Nilagay niya sa tapat ko ang isang cup ng iced americano at tinitigan ko lang ito.

"May problema ba? Ayaw mo ba niyan? Diba umiinom ka niyan dati?"

"Wala ka pala talagang alam sa akin." Ano pa bang inaasahan ko?

"I'm sorry Jas. Palitan ko na lang." Halata sa mukha niya ang guilt dahil sa sinabi ko. Aalis na sana siya pero hinila ko ang laylayan ng Polo niya para pigilan siya.

"'No need Josh. Sabihin mo na lang gusto mong sabihin. May lakad pa kasi ako eh." Bumalik rin siya sa pagkakaupo.

"Kayo na ba talaga ni Kent?" Napaubo naman ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa niya no'ng last na encounter namin ni Josh.

"Mukhang masaya ka na nga talaga sa kanya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi?"

"You didn't even realise that your smiling when I just mentioned his name." Really?

"I just wanted to say sorry. I know it's long overdue, but I still wanted to say sorry to you. I know na mali ang ginawa ko pero ginawa ko parin because I thought may babalikan naman ako which is very toxic na pala."

"You know how much I loved you before right? Pero mas pinili mo akong saktan. Ng paulit-ulit. I tried to understand you kasi baka marealise mo rin na nasasaktan mo na ako pero hindi. Pinili mo paring lokohin ako Josh. Pinili mo paring sumama sa iba at 'pag sawa ka na saka mo ako binabalikan. I don't get it. Kulang pa ba ang pagmamahal ko sa'yo kaya naghanap ka pa ng ibang pagmamahal?" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kumawala na sa mga mata ko.

"I know saying sorry is not enough for all the pain that I've caused you. Hindi kita pipiliting patawarin ako Jas. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na 'yon. Kung hindi man, I think I deserved it."

Gusto ko ng umalis pero bago ako tuluyang makaalis ay may kailangan lang akong linawin sa kanya.

"Just so you know, hindi kami ni Kent. Tinulungan niya lang ako no'ng time na 'yon."

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now