UIY 3

606 12 0
                                    

Jasper's POV

Mabilis akong hinila ni Stell palayo sa lalaking papalapit sa amin. Hindi na ako nakakibo dahil halos mangangain na siya ng tao sa galit. Ramdam na ramdam ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

No'ng makalayo na kami at nasigurado niyang wala ng nakasunod ay huminto na kami sa paglalakad at hinarap niya ako.

"Nasabi ko na rin naman kanina sa'yo. Please tama ng pagpapakatanga Jas. Ilang beses ka na niyang niloko kaya sana maawa ka na sa sarili mo. Ayaw na kitang nakikitang umiiyak dahil sa lalaking 'yon."

"Stell, kaya ko na ang sarili ko. Natuto na rin ako sa pagkakamali ko. Nangako na ako sa'yo diba na mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Hindi ko 'yon nakalimutan. Pangako ko 'yon sa'yo."

"Buti at hindi mo nakalimutan 'yon." Sabi niya sabay yakap sa akin.


Hay, paano na lang kung walang Stell baka nagpakatanga na naman ako ngayon.


--

"Kuya Pau, anong ginawa mo rito?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Nagtext kasi siya na andito raw siya sa school at makikipagkita sa akin. Buti na lang at tapos na ang klase ko at since bago pa lang nagsimula ang mga classes kaya medyo maaga pa kami nadidismiss.

"May sasabihin daw si Stell eh." Tiningnan ko ng masama si Stell pero kinaway niya ang kamay niya na parang sinasabing hindi 'yon 'yong iniisip ko.

"Upo na lang muna tayo doon sa park." Naglakad kami papunta sa park kung saan may mga upuan at mesa at may malalaking puno na nagsisilbing shade.

"Kumusta naman ang pagdo-dorm mo? Hindi ka ba nahirapan?" Umupo na kami sa may bakanteng upuan dito sa park.

"Naku hindi nga siya naka--Aray!" Bago pa man natapos ni Stell ang sasabihin niya ay kinurot ko ang braso niya.

Magsusumbong pa! Ayokong mag-alala si Kuya baka paalisin niya ako at mahirapan na naman siya.

"Okay lang Kuya Pau. Nag-enjoy naman ako. Medyo nakakapanibago lang pero keri naman." Ngumiti ako kay Kuya Pau at sinamaan ng tingin si Stell.

"Basta sabihin mo lang kung gusto mo ng bumalik sa bahay. Kaya naman kitang ihatid sundo eh."

"Oo na po. 'Wag ka ng mag-alala."

"Stell diba may sasabihin ka?" Bumaling ang kanyang tingin sa katabi ko na kanina parin titig na titig sa Kuya ko. Miss na miss yarn?? Haha

"Namiss kita." Seryosong sagot ni Stell. Kinikilabutan ako sa sinabi niya. Bihira lang kasi siya maging seryoso pero dapat nakasupport parin kasi bestfriend ko 'yan.

"Ok I'm out. Mag-usap muna kayong dalawa." Dali-dali akong tumayo at umalis. Tatawagin pa sana ako ni Kuya pero hindi ko na siya nilingon.






Go bestfriend! Kaya mo 'yan!





Pumunta na lang akong bookstore para bumili ng mga libro. Mag-uumpisa na kasi ang mga lectures kaya kailangan ko ng bumili ngayon. Ngayon lang din kasi sinabi sa amin kung anong mga libro ang kailangan at kung anong edition. Bakit kasi every year may bagong edition ang mga books?

"Jasper, it's nice to see you again. I miss you." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Actually, he's too close for my comfort.

Lumayo agad ako sa kanya na kinagulat niya. Kung no'ng nakaraang araw ay naiwasan ko pa siya, ngayon mukhang hindi na.

Kung dati, hinahayaan ko lang siya o kaya yayakapin ko siya, ngayon hindi na. Ilang buwan din akong nag-isip kong tamang pagmamahal pa ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Puro sakit na lang kasi ang nararamdaman ko. Akala ko no'ng una okay lang 'yong gano'n. Minsan masasaktan ka talaga kasi nga mahal mo 'yong tao pero kung sinasadya na niyang saktan ka, hindi na pagmamahal 'yon.

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now