UIY 5

548 9 1
                                    

Jasper's POV

"You must be Jasper, right? Gwapo mo pala. Kaya naman pala. . . Hmm. By the way I'm Kaira." Inabot niya ang kamay niya para makipag shakehands.

Mukhang mabait naman pala 'tong girlfriend ni Kent. At tsaka ang ganda pa. Bagay talaga---

"Ate ni Kent." Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Tama naman ang pagkarinig ko, diba? Hindi pa naman ako nabingi?

Tumatawa pa si Kent sa tabi ko kaya siniko ko siya. Bwisit talaga 'to. Kaya pala tawa ng tawa kasi ate niya pala. Tss! O bakit parang masaya ka Jasper?

Nagpipigil naman ng tawa si Stell kaya inirapan ko siya. For sure tutuksuhin ako nito mamaya.

"Hello po. Jasper po. Nice to meet you. Hindi naman sinabi ni Kent na may ate pala siya." Tumingin ako kay Kent at ngumiti ng peke. Nag 'Hi' rin si Ate Kaira (Oo, nakiki Ate na rin ako) kila Kuya Pau at Stell.

"Actually kasama ko ang boyfriend ko. Pinapunta lang talaga ako ni Kent dito para pagselosin ang mahal niya--oops! Sorry hindi ko sinasadyang hindi sadyain haha. Anyways, nice to meet you guys. Enjoy kayo. Alis na rin ako kasi iniwan ko ang boyfriend doon sa may roller coaster. Baka magalit na 'yon eh sabi ko lang mag CR lang ako Haha." Narinig ko namang tumawa si Stell sa sinabi ni Ate Kaira.

Si Kent naman hindi makatingin ng deritso. Nag ba-bye na rin kami sa kanya nang umalis siya.

May pinagseselos siya? Hmm. Sino kaya 'yon?

"Kuya Pau kayo na lang ni Stell ang sumakay ng mga rides ha. Stell samahan mo na lang si Kuya. Okay lang naman sa'yo, diba Stell?" This is your chance Stell! Sana umusad na rin kayo.

"Kung okay lang kay Paulo. Wala namang problema." Eh nagpapakacool pa. Pero excited naman talaga. Halatang nagpipigil ng kilig. Ayiee!

"Hindi na. Dito na lang ako. Baka mapano ka pa." Andito na naman po siya. Ginagawa na naman akong bata.

Naglaho naman ang ngiti sa mukha ni Stell ng marinig niya ang sinabi ni Kuya.

"Kuya Pau kaya ko na ang sarili ko. Maglilibot na lang ako dito. Marami namang magandang puntahan dito at tsaka nagugutom na rin ako. Hehe." Pangungumbinsi ko sa kanya. Malapit na akong grumaduate pero binibaby niya pa rin ako.

"Ako na po bahala kay Jasper. Aalagaan ko po siya." Pag-aassure ni Kent.

"Ay parang familiar. Ganyan ang mga linyahan ng mga inlove pa." Nanunukso pa talaga si Stell.

"Nanliligaw ka ba ulit sa kapatid ko?" Napalingon kaming lahat kay Kuya Pau. Bihira lang 'yan magsalita pero kabahan ka talaga 'pag seryoso na ang mga tanungan niya. Halatang kabado si Kent sa tabi ko.

Bakit apaka straightforward talaga ng Kuya ko? Kuya naman! >_<

"Tara na nga. Hayaan mo na sila." Hinila ni Stell si Kuya Pau palayo sa amin. Proud ako sa'yo beh! Tumatapang ka na.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya. Gano'n lang talaga. Masyadong straightforward."

"Hindi, okay lang. Kuya mo 'yon eh kaya concerned 'yon sa'yo."

"At tsaka, totoo namang inlove pa talaga ako sa'yo."

Hindi ako sure kung tama ang pagkarinig ko pero parang may sinabi pa siya. Hindi ko lang masyadong narinig kasi sobrang ingay ng paligid. Ipinagkibit balikat ko na lang 'yon baka wala naman talaga siyang sinabi.

"Sobra haha. Gusto mo bang sumakay sa mga rides? Kung gusto mo, okay lang naman. Maglilibot lang ako dito."

"Hindi na. Samahan na kita. Ano pang silbi ng date natin kung ako lang mag-isa?"

"Ah date ba 'to? Haha" Ang awkward po!

"Hindi ba? . . . Nagugutom ka na diba? Punta na lang tayo sa may food stalls."

Pumunta kami sa may food stalls at namili ng makakain.

"Uy, may corn cheese sila! Doon tayo Kent!" Hinila ko si Kent sa may food stall ng corn cheese.

Nag-order ako ng good for two na corn cheese. Nang makuha namin ang order namin ay umupo kami sa vacant ng seats at nilapag ang pagkain namin.

"Bili lang ako ng drinks. Ano'ng gusto mo Jah?"

"Mango shake na lang." Tumango siya at ngumiti. Pumunta na siya sa may 'di kalayuang stall para bumili ng mango shake.

Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang mango shake sa kamay niya.

"Mahilig ka rin sa mango shake?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na siya.

"Hindi mo na ba naaalala? Diba, ayaw mo sa hinog na mangga kaya ayaw mo rin sa mango shake pero na curious ka kung magugustuhan mo ba ang mango shake o hindi so tinry mo. Ito parati kong binibili dati kapag lumalabas tayo diba? Look at you now, naging favorite mo na rin pala." Nakangiti lang siya habang pinapaalala sa akin kung bakit nagustuhan ko na ang mango shake.

"Oo nga pala. Hehe Ba't ko ba nakalimutan 'yon. Nakikigaya lang pala ako sa'yo." Napakamot na lang ako sa batok ko. Bakit ko ba 'yon nakalimutan?

"Kumain na tayo. Mas masarap ang corn cheese kapag mainit pa." Aya niya at inabot ang disposable spoon sa akin.

Nagsimula na kaming kumain ng may maalala ako.

"Dahil sayo rin pala bakit naging paborito ko ang corn cheese." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa corn cheese. Nang maiangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakangiti rin siyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon Jasper. Akala ko wala lang sa'yo 'yong mga pinagsamahan natin dati. Atleast, in this way nararamdaman kong may naging importateng parte rin pala ako sa buhay mo." Sobrang sincere ng pagkakasabi niya at halatang masaya siya.

You really know how to make me realise things without me knowing.








Unconsciously, all along you've been a part of me.







Hindi na namin namalayan na napapasarap na pala ang pag-uusap namin. Mula sa mga nangyari sa amin no'ng nililigawan pa niya ako hanggang sa mga random stuffs.

Naikwento rin niya na parati raw siya tinutukso ni Ate Kaira no'ng malaman nito na naging magkaroommate kami until sa napagkamalan ko siyang girlfriend niya. Nahiya tuloy ulit ako.

Sobrang gaan niya kausap. Ito na yata pinakamahaba naming pag-usap ng walang asaran or bardagulan.

Never thought I would enjoy your company.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



ʚїɞ kentintrovert ʚїɞ

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now