UIY 4

544 12 0
                                    

Jasper's POV

Bukas na pala 'yong supposedly 'date' namin ni Kent pero hindi ko alam ano'ng mararamdaman ko. Simula no'ng nakita namin ni Stell si Kent na may kasamang babae, parang nawala ako sa mood.

Bakit nga ba? Ano naman ngayon kung may girlfriend na siya? Tss!

Pero bakit nga ba niya ako niyaya ng date kung may girlfriend na siya? Alam naman niya ang history ko diba? Isa siya sa mga taong nakawitness kung gaano ako nasaktan noon.

Pero bakit nga ba ako affected? Eh hindi naman na siya nanliligaw sa akin? Friendly date lang 'yon Jasper. 'Yon na lang isipin mo.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Hindi ko na napansin na pumasok si Kent sa kwarto. Nakatulala na pala ako habang nakaupo sa study table ko at malalim ang iniisip.

"Andiyan ka na pala." Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik sa binabasa ko. May exam kasi kami sa Monday kaya nag a-advance reading ako.

"Nagdinner ka na? May dala akong pagkain. Sabay na tayo."

"Hindi na. Hindi pa naman ako gutom." Wala parin ako sa mood para kausapin siya. Hindi parin mawala sa isip ko 'yong nakita ko.

Bigla na lang niyang pinaikot ang swivel chair ko kaya nakaharap na ako sa kanya. Bago pa man ako makareact, hinila na niya ang kamay para makatayo at dinala ako sa may mini kitchen.

"Hindi raw gutom eh ang lakas ng tunog ng tiyan mo." Gano'n na ba ako ka preoccupied na hindi ko na narinig o naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko?

"Umupo ka na." Umupo na lang ako dahil wala na rin akong magagawa. Ngayon ko lang narealise na gutom na pala ako.

Pinanood ko lang siyang isalin ang mga pagkain sa plato.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya ng hindi nakatingin sa akin at busy sa paghahanda ng pagkain.

"Hmm? Paano mo naman nasabi?" Umupo na rin siya sa harap ko ng matapos siya at naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Ilang araw mo na akong hindi pinapansin." Tiningnan ko lang ang pagkaing nilagay niya sa plato ko.

Nakakapanibago. Never itong ginawa ni Josh sa akin. Ako ang parating gumagawa nito para sa kanya.








Unconsciously, I'm getting used to your gestures.









Tumingin ako muli sa kanya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Nabusy lang." Tinuon ko na lang ang mata ko sa pagkain kasi hindi ko na kayang tagalan ang mga titig niya.

Para akong kinakabahan na ewan. Hindi ko maexplain.

"Tuloy pa naman tayo bukas diba?"

"Oo naman. Pero okay lang ba sa girlfriend mo?"

"Ha?? Sinong girlfriend?" Baliw ba siya? Hindi na niya naalala ang girlfriend niya?

"'Yong kasama mo no'ng nakaraang araw sa may cafeteria. Ang sweet niyo pa nga eh." Nagtataka siyang nakatitig sa akin at bigla na lang tumawa. Ano'ng problema nito? Nababaliw na ba siya?

"Nakita mo kami? 'Yo'n ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako pinapansin? Nagseselos ka ba Jah?" Tanong niya habang nakangiti.

"Luh! Bakit naman ako magseselos? Baka 'yong girlfriend mo ang magselos pag nakita niyang may kasama kang iba."

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now