UIY 7

550 9 2
                                    

Jasper's POV

"Jas" Busy ako sa pagre-review ng notes ko dito sa park kasi may long quiz kami mamaya ng tawagin ako ng isang pamilyar na boses na ayoko ng marinig pa.

"Ano na naman?" Inis ko sagot sa kanya ng hindi siya tinatapunan ng tingin. "Busy ako, pwede ba? Tantanan mo na ako, Josh."

"Busy sa kanya?" Hindi ko napigilang tingnan siya dahil sa sinabi niya.

Kunot noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam kung ano'ng ibig niyang sabihin pero no'ng tiningnan ko siya ay hindi siya sa akin nakatingin.

Sinundan ko kung saan nakadapo ang mata niya at nakita ko ang seryosong mukha ni Kent na nakatayo sa likuran ko.

"Kent" Tawag ko sa kanya.

Hindi ko alam pero kinabahan ako. Seryoso lang siyang nakatingin kay Josh. Nagpapalitan sila ng mga matatalim na titig.

Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam saan ako dapat tumingin.

Dahan-dahang lumapit si Kent sa akin at inakbayan ako. . . at HINALIKAN AKO SA PISNGI!

"Sorry late ako Langga, kanina ka pa ba dito?" Malambing na sabi ni Kent habang nakatingin at nakangiti sa akin.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Ang gwapo---TANGINA! Ano bang nangyayari??! wala na akong masagot sa sobrang kaba.

"Tss. Bakit ngayon ka lang?" Hindi ko alam bakit, pero kusa kong sinakyan ang trip nitong si Kent.

"Hatid na kita sa room mo. May long quiz ka pa diba?" Paano mo nalaman?

Hindi ko na lang pinahalata ang gulat ko para hindi maghinala si Josh.

Speaking of Josh, nakakunot noo lang siyang nakatingin sa amin. Tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Sige. Uhmm . . . Josh saka na lang tayo mag-usap. May quiz pa kasi ako." Hindi na hinintay pa ni Ken na sumagot si Josh at hinila na niya ako papalayo sa kanya.

Hindi parin niya binitawan ang kamay ko kahit nakalayo na kami kaya dahan-dahan kong hinila ang kamay pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito.

"Kent"

"Nakatingin parin siya." Bulong niya sa akin. Eh? Malayo na kami ah.

Lilingon na sana ako para makumpirma kung tanaw parin ba kami ni Josh pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.

Ilang segundo kaming nagkatitigan at bigla na lang niyang pinisil ang pisngi ko. Sakit! Napapansin ko, parati akong pinanggigilan ni Kent.

Nang makarating kami sa tapat ng classroom ko ay saka pa niya binitawan ang kamay ko.

"Kent, thank you." Alam kong tinutulungan niya lang ako kanina makaiwas kay Josh and thankful ako sa kanya kahit hindi ko naman hiniling pero ginagawa niya.

"Wala 'yon." Tipid niyang sagot habang nakangiti sa akin.

"Ano nga palang ibig sabihin ng Langga?" Kanina ko pa gustong itanong sa kanya pero hindi maganda ang timing kanina eh.

"Mamaya na tayo mag-usap. Sunduin kita after class mo. Pumasok ka na." Hindi ko alam pero bakit ko ba siya sinusunod. Nagwave lang siya sa akin ng pamasok na ako sa room namin.

This feeling is so foreign to me. Never ko pa 'tong na feel dati. Sanay kasi akong ako ang nag e-effort sa relationship namin. Ako parati ang nag a-adjust. Ansarap rin pala sa feeling na may ibang taong nagpapafeel sa akin nito.

Thank you Kent.








Unconsciously, I'm starting to know my worth because of you.







-

Natapos na rin ang long quiz namin at lalabas na sana ako ng marinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko.

"Ang gwapo naman."

"Sino kaya ang hinihintay niya?"

"Diba siya 'yong naghatid kay Jasper kanina?"

"Friend niya?"

"Baka boyfriend kamo."

"Paano mo naman nasabi?"

"Nakita kong magkahawak ang kamay nila kanina."

"Talaga? Kakilig naman! Bagay rin naman sila."

"Kaya nga. Parehong gwapo."

"Wala na talagang maiiwan sa atin nito. Kasi ang gwapo gusto na rin ng gwapo. Haaays!" [A/N: I feel you! >_<]

"Psst! Tumahimik na nga kayo. Baka marinig pa tayo."

Hindi ko alam pero napapangiti na lang ako sa mga sinasabi nila. Nagbubulung-bulungan eh rinig na rinig ko naman.

Lumabas na rin ako ng room at ando'n nga si Kent na nakasandal sa pader habang nakangiting nakatingin sa akin. Ang gwapong bungad naman!

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Kumusta ang quiz mo?" Tanong niya sa akin habang hinahawi ang bangs kong nasa mata ko. Andito na naman ang puso kong kumakabog.

"O-okay lang." At ako'y nauutal na nga. Nakakainis naman kasi itong Kent na 'to.

"Hmm. Let's go?"

"Saan?"

"Sa favorite mo." Nakangiti niyang sabi at hinila na ako palabas ng building. HHWW!

"Uy saan ba kasi tayo pupunta?"

"Mainipin ka parin noh? Malalaman mo rin mamaya. Relax ka lang Langga."

"Ano ba kasi 'yong Langga?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya't napatigil rin ako at humarap siya sa akin.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napa atras ako ng kaunti pero pinigilan niya akong makalayo sa kanya ng ipulupot niya ang isang kamay niya sa bewang ko habang nakahawak parin ang isang kamay niya sa kamay ko.

"Mahal." Bulong niya sa akin.

Nakalimutan ko na yata paano'ng huminga.

"Para ka ng kamatis Langga. Haha Ang pula ng pisngi mo. Kilig yan?" At pinisil niya ang pisngi ko.

"Bwisit ka Kent!" Hinampas ko ang braso niya hoping na mawala na ang pamumula ng mga pisngi ko.

"'Wag kang mag-alala, ikaw lang naman ang Langga ko." He winked at me and smile.

Kent's POV

Andito kami sa may streetfood stalls, 'di kalayuan sa campus namin. Kita sa mga mata niya ang saya ng makita ang mga pagkain. Same old Jasper.

Kanina pa magkahawak ang mga kamay namin pero hindi niya rin tinatanggal ang kamay niya simula ng hawakan ko ito.

Masaya ba ako? Oo, sobra. Sana hindi na matapos ang araw na 'to.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti.

"Ba't ka nakangiti ng mag-isa diyan?"

"Masaya akong nakikitang masaya ka."

"Tss. Puro ka lang banat diyan."

"Totoo lahat ng sinabi ko Jah. I'm happy that I'm seeing your smile again. That genuine smile."

"T-thank you." He smiled at me shyly.

"Ba't sa akin ka nagt-thank you? Mag thank you ka sa sarili mo kasi you're letting yourself to be happy. It's not because of me. Okay?" Pinisil ko ang ilong niya. Ang cute kasi!

"Bili na tayo. Kwek-kwek?" Tumango lang siya sa akin at ngumiti.


ʚїɞ kentintrovert ʚїɞ

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now