UIY 6

539 9 2
                                    

Kent's POV

Niligpit ko na ang pinagkainan namin ni Jasper at tinapon sa may basurahan. Alas otso na rin ng gabi at napagdesisyunan ko ng umuwi na . . .

umalis na rin naman siya kanina pa.


Matapos may magtext sa kanya kanina ay nagpaalam na siyang umalis dahil emergency raw. Babawi na lang daw siya sa susunod. May kasunod pa ba?

Hindi ko na natanong pa kung ano'ng emergency dahil nagmamadali na rin siya. Halata namang nag-aalala siya.

"Uy Kent, saan na si Jasper?" Palabas na sana ako ng makasalubong ko si Stell at Kuya ni Jasper.

"Nauna na siya. May emergency raw." Medyo kumunot naman ang noo nilang dalawa.

"Ano namang emergency niya?" Tanong ni Kuya Paulo.

"Hindi rin po niya sinabi." Tipid kong sagot. Kanina medyo naghinala na ako kung sino ang nagtext, pero ngayong nakita ko na sila Stell at Kuya Paulo na andito parin ay tama nga ang hinala ko.

Napabuntong hininga na lang si Stell. Mukhang alam na rin niya.

Noon pa man ay siya na first priority niya.


Siya parin ang pinili mo. Siya parin pala.



Jasper's POV

Bumili muna ako nga gamot dahil alam kong wala siyang stock ng gamot sa condo niya. Pagkatapos kong bumili ay pumunta na rin agad ako sa condo niya.

Nakailang katok na ako pero hindi niya parin binubuksan ang pinto.

Ano na kayang nangyari doon?

"Josh, andito na ako." Ilang katok pa ang ginawa ko bago niya ako pinagbuksan ng pinto.

Halatang gulat siya ng makita ako. Hindi ko kasi siya nireplyan no'ng nagtext siya. Ngumiti rin agad siya at pinapasok ako.

"Akala ko hindi ka na dadating." Sabi niya at halatang paos ang boses.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang noo niya.

"Ang init mo. Humiga ka na doon. Kukuha lang ako ng tubig para makainom ka na ng gamot." Hindi na siya nagsalita at pumasok na sa kwarto niya.

Kumuha ako ng isang basong tubig at naglagay na rin ako ng tubig sa malaking bowl. Dinala ko ito sa kwarto niya at nilapag sa may bedside table niya.

"Inumin mo muna 'to." Sabay abot sa kanya ng gamot at tubig.

"Jas" Inangat niya ang dalawa niyang kamay para tulungan siyang makaupo.

"Tsk. Parang bata." Nilapag ko muna ang baso at gamot sa mesa at hinila siya paupo. "Inumin mo na 'yan. Dapat kasi may stocks ka ng gamot dito."

"Andiyan ka naman eh. Ba't pa ako bibili?" Sabi niya pagkatapos niyang inumin ang gamot. Inirapan ko lang siya.

"Baka nakakalimutan mong wala na tayo." Walang gana kong paalala sa kanya.

"Alam ko pero mahal mo parin ako diba? Kasi ako, mahal parin kita Jas."

"Tigilan mo ako Josh. Huling beses na itong pupuntahan kita dito. May kunting awa pa naman ako sa'yo kaya kita pinuntahan dito."

"Bumili na ako ng maraming gamot para wala ka ng idadahilan pa." Tumayo ako at kumuha ng bimpo sa closet niya. "Humiga ka na. Pupunasan lang kita para bumaba na 'yang lagnat mo." Sumunod din agad siya at humiga.

"Jas, I'm sorry. Please bumalik ka na sa akin." Pinupunasan ko siya ngayon pero kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan.

"Bitawan mo ang kamay ko." Mahinahon kong sabi sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Iniwan ko si Kent dahil sa taong 'to.

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now