UIY 2

688 10 0
                                    

Jasper's POV

Nakatitig lang kami sa isa't isa na para bang hindi makapaniwala sa nakita. Isang taon na rin pala ang nakalipas.

"Jasper de Dios. Surprised to see you here. It must be destiny, right?" I can see the amusement in his face no'ng nakita niya ako. Hindi parin nagbabago. Mahangin parin.

"I don't believe in destiny if it's you." Sagot ko naman sa banat niya. Wala na akong maisip na pang rebut sa kanya kasi kinakabahan ako.

"Ouch! Sakit naman no'n." Humawak pa siya sa dibdib niya para kunyari totoong nasaktan talaga siya.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya napa atras ako. Nakatuwalya lang siya at nakahapit ito sa baywang niya. Kitang kita ang toned abs--Ba't ko ba dinidescribe sainyo? Bahala na kayo, basta 'yon na 'yon! Periodt!

Tumigil siya sa harap ko kaya napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "What?" Tanong ko sa kanya ng ngumiti siya sa akin. At tsaka ang bango niya--- malamang bagong ligo Jas.

"You're blocking my closet babe." Sabi niya sabay wink.

"Babe mo mukha mo." Mabilis akong umalis sa harapan niya at narinig ko siyang tumawa. Dumiretso ako sa banyo para makapagshower na. Medyo pinagpapawisan ako pero naka-on naman ang aircon. Bakit kaya?

Habang nagsa-shower, naalala ko ang nangyari no'ng nakaraang taon. Simula no'ng araw na 'yon, hindi na niya ako kinausap. Hindi ko naman siya masisi dahil kahit ako rin naman 'pag ako nireject, mahihiya na akong kausapin siya.







Oo. Tama ang nababasa niyo. Nireject ko ang isang Kent Suson!







Akala ko hindi na niya ako kakausapin kaya nabigla ako no'ng siya ang unang nagsalita. Medyo kinabahan din ako no'ng makita ko siya.

Tinagalan ko talaga ang pagshower hoping na tulog na siya paglabas ko. Ayoko na siyang maencounter ngayong gabi. Awkward parin dahil sa tagal no'ng huling time na nag-usap kami.

Hindi ko man nasasabi sainyo pero nakakaguilty parin ang magreject ng tao. Ako lang ba? Wala akong magawa eh, mahal ko si 'He-Who-Must-Not-Be-Named' ika nga ni Stell no'ng time na 'yon.

Sa banyo na rin ako nagbihis kasi ghorl 'di ko carry magbihis ng nasa harap siya. Baka sabihin pa niya inaakit ko siya. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Malamang nakamove-on na 'yong tao. Baka may jowa na nga siya eh.

Lumabas na ako ng banyo dahil hindi naman pwedeng dito ako matutulog. Wala rin namang silbi kung iiwasan ko siya kasi wala naman akong magawa dahil siya na ang roommate ko. Hindi rin pwedeng magpalit ng roommate kasi ikaw ang paaalisin dito sa dorm. Nasa pinirmahan naming kontrata 'yon.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala siya. Nakahinga ako ng maluwag. Sumampa na ako sa kama ko dahil antok na talaga ako. Hindi ko na rin pinatuyo ang buhok ko kasi tinatamad na akong mag blower. Napatigil ako sa pag-akyat ng medyo umuga ang bunk bed. Argh! Kailangan ko talagang ma-overcome 'to. Isang taon din akong aakyat baba sa kama na 'to.

Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa tuluyan na akong maka-akyat sa kama ko. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili. Hindi naman siya masyadong mataas. Sadyang hindi lang talaga ako sanay. Para kasing lumilindol kapag gumagalaw ako.

--

Mahimbing na ang tulog ko ng maramdaman kong gumalaw ang kama ko kaya napabangon ako bigla. Hindi ko rin pala nasasabi sainyo, takot ako sa lindol. I mean, takot na takot. Makaramdam lang ako ng konting uga, takot na ako niyan.

Unconsciously, It's You | A KenTin AUWhere stories live. Discover now