CHAPTER 140

138 11 0
                                    

Party Mess 2

Azie's POV

"W-Wait!" Napatayo agad ako dahil sa gulat. Nakaupo sa sahig si Winstell habang hawak ang labi niya. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakatayo.

"Binabastos ka niya! Dapat lang dito binabalian!" Malakas na sigaw ni Liam, kuyom na kuyom ang kamao niya.

Napatingin ako sa isang lalaki, tinitigan ko siya at nakilala ko kung sino siya. Kinwelyuhan niya si Winstell, mabilis akong lumapit sa kanila.

"Stop it, Dylan." Tinanggal ko 'yung kamay niyang nakahawak kay Winstell. "Are you okay?"

"Yeah..." Tinulungan ko siya tumayo. "What was that for?" Natatawa niyang tanong kay Dylan at Liam.

May humawak sa balikat ko, si Darrece.

Natawa si Liam. "Binabastos mo lamg naman si Ashley Zai."

"Paano kung hindi? Ask her if I was rude for doing that." Naghahamon niyang sabi bago tumingin sa akin.

Tumingin naman ako kay Liam.

"It's fine, hindi niya ako binabastos." Kumunot ang noo ko sa kanila. Narinig kong tumawa si Winstell.

"Nakita namin 'yung ginawa niya, ngayon mo lang siya nakilala." Seryoso sabi ni Dylan sa akin.

"Kanina niyo pa ba kami binabantayan?" I ask them, dahil alam nila na ngayon lang kami nagkakilala. "Can you please stop minding my business?"

Nakita ko kung paano sila mapahiya, pero ayokong kaawaan sila. Wala akong magagawa kundi ang tignan sila. Totoo naman na nangingi-alam sila sa kung anong ginagawa ko ngayon.

"Ashley? Ashley! Are you okay?" Napatingin ako kay Theo na bigla nalang dumating sa harap namin, niyakap niya ako.

Napansin ko rin na nakakaagaw na kami ng atensyon dito sa loob.

"I-I'm fine, what are you doing here?" I ask him.

"Dapat sinabi mo na pupunta ka rito, para masamahan kita." Hinaplos niya ang mukha ko bago tumingin ng masama kay Winstell. Pipigilan ko sana siya pero nagsalita na siya.

"Anong ginagawa mo rito?" He asked. Mukhang magkakilala sila.

"Just having fun, I didn't know that she's your friend." Tukoy niya sa akin, ngumiti pa siya sa akin.

"Bro, we're sorry for the trouble." Sabi nung lalaking katabi ni Darry kanina, hinawakan niya sa balikat si Winstell at parang sinasabing umalis na.

"Teka," Napatingin ako sa likuran nila, napakunot ang noo ko nang makita si Revi.

Anong ginagawa nila rito?

"Kilala kita," Tukoy niya kay Winstell. "Kapatid ka ni Imory."

Mabilis akong napatingin kay Winstell, kapatid niya si Imory? Hindi kaya kilala niya ako dahil kaklase ko si Imory?

"Oo, kapatid niya ako." Pinunsan niya ulit 'yung labi niyang dumudugo.

"Kilala kita, 'wag ka na ulit lumapit sa kaniya. Kung gagawin mo pa ulit, baka hindi mo kayanin ang magawa ng kapatid mo sa'yo." Seryosong sabi ni Revi sa kaniya.

"Azie, let's go." Rinig kong bulong sa akin ni Darry.

"Fine," Tumingin sa akin si Winstell. "I did that on purpose."

Anong sinabi niya?

Naglakad na sila ng mga kaibigan niya paalis kung nasan kami.

"What?" Rinig kong pahabol na tanong ni Dylan.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon