CHAPTER 167

42 1 0
                                    

Rage

Azie's POV

Lahat ng kumalat sa media, ipinatanggal na ni Dad at Mom. Wala nang natira kahit isa. Kung meron may ay puro maliliit na posts nalang tungkol sa pamilya namin. Marami ring pumunta rito sa bahay para kumustahin kami. Pero hindi ako lumabas ng kwarto.

Gustong makausap ni Dad si Kuya Trhyzor, pinadalhan niya na rin sila ng message pero wala pa silang natatanggap pabalik.

Dalawang araw na rin ang lumipas, hindi ako pumasok. Hindi ko rin sinagot ang tawag ng mga akugaki dahil gulong-gulo na ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong itanong, pero isang bagay lang dapat kong gawin, ang makausap si Xandrei.

Siya lang ang makakasagot ng mga gusto kong malaman. May labis, walang kulang.

Sinubukan din akong kausapin ni Ate Lorena, sinabi niyang nandiyan lang siya para sa akin, pwede rin niya akong tulungan kung kinakailangan ko. Pero alam kong masama pa rin ang loob sa akin ng parents nila, ayokong isipin din nila na mas pinapaburan ako ni Ate Lorena.

"Azie? May naghahanap sa'yo." Pumasok si Kuya Zairen sa kwarto ko at basta nalang humiga sa kama ko.

"Sino?" Tumayo ako at inalis ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Mga classmate mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya, napatakbo ako sa labas ng kwarto ko. Pagkababa ko ay nandoon silang lahat, nakaupo at nakapalumbaba ang tingin. Tiningnan ko kung sino pa ang nasa sala, nakita kong nandoon si Dad sa gilid na nakatingin sa kanilang lahat--- hindi!

Nakatingin siya kay Xandrei!

Nakatayo ngayon si Xandrei sa pinto, hindi ko agad siya napansin. Nakatingin din siya kay Daddy, sinenyasan siya ni Daddy na umupo, saka lang siya pumasok at nagulat ako sa ginawa niya! Hindi lang pala ako, dahil pari mga akugaki ay napanganga sa ginawa niya.

Nag-bless lang naman siya kay Daddy!

Napunta sa akin ang paningin nila ng tuluyan na akong bumaba. Nakita ko si Mommy na seryosong nakatingin kay Xandrei, pero nang makita niya ako ay nag-aalala na ang tingin niya.

"Azie..." Palahaw ni Xandrei. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"A-anong nangyayari, Dad?" Tumingin ako kay Daddy.

Tumitig siya sa akin. Hanggang sa naging masama na ang tingin niya pero nawala na iyon dahil bumaba si Kuya Zairen at pinutol ang tensyon sa sala.

"Hahay! Kaantok tanghaling tapat may bisita." Nakangisi siya sa mga akugaking parang hindi na makagalaw sa inuupuan nila. "Juice gusto niyo? Kape?"

"T-tubig nalang po..." Napalunok si Karl nang sikuhin siya ni AJ.

"Pahanda ng meryenda, tubig, juice at iba pa." Sabi ni Kuya sa katulong namin.

Tumalikod si Daddy sa amin, mabilis na sumabay sa kaniya si Mommy.

"Salamat sa pagbisita niyo, nakakatuwang makita ka rito, Santiago." Iyon lamang ang sinabi ni Dad at humarap siya kay Kuya. "Ikaw munang bahala rito."

"Zerex, tara na." Tawag sa kaniya ni Mommy. Mukhang aalis sila ngayon, tingin ko ay aayusin ulit nila ang gulong nangyari. Nakita na ang mga taong nag-post nito sa media.

"Feel at home." Sarkastikong sabi ni Kuya sa kanila, kumaway siya sa akin bago pumunta sa garden.

Nakahinga ako ng maluwag, thanks Kuya Zairen.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon