CHAPTER 168

28 0 0
                                    

Clutch

Azie's POV

Sinubukan ko sumilip sa pinto, hindi naman nila ako nakikita ngayon dahil lahat sila ay mukhang hindi inaasahan ang nangyayari, nakatingin sila kay Kuya Zairen.

Nang tingnan ko si Xandrei ay nakita ko siyang magulat nang biglang magsalita si Kuya. Ang iba naman ay nakakunot ang noo at tila hindi maintindihan ang sinasabi ni Kuya.

"I won't apologize for the things I did, kung ano man ang nangyari sa nakaraan na may kinalaman sa kapatid ko," seryoso ang tingin ni Kuya sa mga mata ni Xandrei. "Mahal na mahal ko ang kapatid ko, 'yun ang unang-una sa lahat."

Huminga ng malalim si Kuya Zairen, napangiti ako dahil kahit hindi sabihin sa akin ni Kuya ng harapan 'yon ay alam ko.

"Lahat ng ginawa namin ay para sa kaniya, lahat din ng ginagawa ko ngayon ay para sa kaniya," tumingin siya kay Xandrei muli. "Kaya I won't say sorry for what happened between Cohtirhey and Cherowdy. Or should I say, to your section and to us."

Dito nabuhay ang interes ko, anong sinasabi ni Kuya? Anong meron sa section namin at sa Cohtirhey?

"What do you want say?" tanong ni Xandrei sa kaniya. Tahimik ang paligid at nakikiramdam sa kanilang dalawa.

"Nalaman ni Mr. Madrigal ang tungkol sa illegal business, tama ba?" ngumiti si Kuya at tumingala sa langit.

Lahat naman sila ay napatingin kay Dylan, narinig ko na police officer ang Dad niya.

"Yes." Sagot ni Dylan.

"Matagal na siyang naghahanap ng butas sa pamilya namin, dahil sa nangyari Kenth Xandrei." lumingon siya kay Xandrei.

"Ngayong nalaman niyo na, anong gagawin mo ngayon?" tila naghahamong tanong ni Kuya kay Xandrei.

Napahigpit ang hawak ko sa pinto, bumibilis ang tibok ng puso ko, anong nangyari ang tinutukoy ni Kuya?

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Xandrei.

"If I weren't met her, I will definitely continue what I planned." huminga siya ng malalim, siya naman ngayon ang tumingala sa langit na may ngiti ang labi. "But now, I won't take revenge for what happened. Masasaktan siya kung ipipilit ko."

Napaawang ang labi ko, tama bang nakinig ako sa usapan? Mukhang mali na nakinig ako, mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi niya.

"Let's make it clear, straight to the point. We're just a business partner of that illegal business." ngumiti si Kuya sa kaniya.

"Yes," sumabat si Haruo. "What we've done is just a help, and our family is also one of cooperatives. It's all about the money."

"Kung iniisip mong sinadya ni Mr. Zerex ang nangyari, o ng pamilya nila. Ang sagot do'n ay hindi." sabi ni Skie.

Anong nangyari? Bakit na-involve na si Daddy?

"Tinigil na namin ang connections na meron kami sa kanila, alang-alang sa kapatid ko. Pati na ang Cohtirhey, mananahimik na sa nangyari. Magiging normal nalang na eskwelahan para sa lahat." sinuyod ng tingin ni Kuya ang mga akugaki.

"What do you think, Xandrei?" ngumiti si Haruo habang nakatingin kay Xandrei.

Matunog na ngumiti si Xandrei sa kaniya.

"Forgiven without the apology."

Lahat sila ay ngumiti sa naging usapan. Nakaramdam ako ng ginhawa sa puso ko, pakiramdam ko ay nasolusyunan ang bagay na hindi ko naman alam pero gumaan ang pakiramdam ko.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon