CHAPTER 143

112 8 0
                                    

Confront

Azie's POV

"Ashley, I'm sorry. I thought I could help you earlier. That's why I did that." Theo started to apologize again about what he did.

Nasa Coffee Shop kami ngayon at nag-uusap. Wala naman sa isip namin pumunta sa Coffee Shop pero humanap kami ng malapit para makausap ko siya.

"Alam kong makakatulong ka, but look what happened. Alam kong hindi pa maayos ang.." Napahinto ako sa pananalita ko.

Ano nga ba ang sinasabi ko ngayon? Bigla ko nalang naalala ang koneksiyon namin... No, they need to mind their own business and I'll mind mine.

Napansin ni Theo ang pagtahimik ko, nginitian niya ako.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nabibigatan ako sa bawat kilos na ginagawa niya sa'kin, na parang may nag-uudyok sa akin na maniwalang mali ang ginagawa niya.

"You still care for them, don't you?" Nakangiti niyang sabi.

Napaiwas ako ng tingin, ang tingin ko naman ay nahagip ang kotseng nasa labas ng Coffee Shop at nakababa ang bintana.

Mabilis akong napatingin kay Theo, nakangiti pa rin siya habang tumitikim ng Coffee na order niya.

Saktong tumunog ang cell phone niyang nakapatong sa mesa, nagpatay-malisya akong hindi napansin iyon.

"Wait." He said before checking his phone.

Palihim muli akong tumingin sa labas, nakita ko roon si Xandrei na deretso ang tingin sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang bigla niya akong kindatan, gago.

Ano nalang ang iisipin ng tao kung makita siya, he's dating with someone.

"All of them thought that you're my boyfriend. What should I do?" Tanong ko kay Theo, kamot batok lang ang nagawa niya.

"Hayaan mo nalang, I'm really sorry about it. Alam ko naman." I look at him, anong sinasabi niya?

"What?"

"Alam kong may namamagitan pa rin sa inyo, kahit hindi kayo mag-usap ng matagal." Napahinto ako sa pag-iisip matapos ang sinabi niya.

"T-theo..." Ngumiti lang siya sa akin.

"Ashley, you know..." Inabot niya ang kamay ko bago mariing hinawakan iyon. "I can wait. As long as I'm here, I'm always waiting for you. Kahit taon pa 'yan."

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya, Theo...

"A-anong pinagsasabi mo..." Natawa ako bago bumitaw sa paghawak niya sa kamay ko, umiwas ako ng tingin. "Wala na akong gusto sa kaniya."

"But your action speaks for it."

Napatingin ako sa kaniya, wala sa akin ang tingin niya at nakatingin lang siya sa phone niya.

"P'wede na ba ako umalis?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Bakit ka aalis?" Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Ashley, cut this out." Ngumiti si Theo bago tumayo. "I know he's been there for a while." Tumingin siya sa labas ng bintana.

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Alam niyang nandito si Xandrei...

"Mukhang may pag-uusapan kayo, just call me if you need me. I will keep my mouth shut today for you." Ngumiti siya bago lumakad papalapit sa akin at hawakan ang ulo ko, ngumiti ako ng malungkot sa kaniya.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon