CHAPTER 155

85 8 1
                                    

A/N: Hello girlies! Hoping na tuloy-tuloy na ako makapag-update!

Payback

Azie's POV

Naglalakad ako sa damuhan, nang biglang may dumamba sa aking malaking bola na inihagis ng kung sino galing sa malayo!

"Ano ba!?" Malakas kong sigaw.

Biglang may tumapik at yumugyog sa akin.

"Zie?? Ayos ka lang ba? Nakatulog ka ata?" Hawak ni Hendrix ang balikat ko, sa gilid naman niya ay si AJ at Aiken na nag-aalala na agad ang tingin sa akin.

"N-nakaidlip ako, ayos lang ako." Umayos ako ng upo. Nasa room ako ngayon, may pasok kami.

Saan ba nanggaling 'yung panaginip ko?

"Ito! Dito batuhin mo ng bola!"

"Ayon nasa damo! Sige!"

Napangiwi ako, nasa gilid ko lang pala si Kenji, Renji, at Imory na naglalaro sa phone nila. Napakalakas pa ng mga boses.

Kaya naman pala nanaginip ako ng kung ano...

"Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?" nagulat ako sa biglang sulpot ni Xandrei sa tabi ko. "Bibilhan kita ng medicine, anything you want?" seryoso niyang sabi.

"HAHAHAHA! Kotse, Zie!" Sigaw ni Riu na nakarinig sa usapan. Pumapasok kahit hindi na nga makalakad, nakasaklay pa.

"House and lot nalang, Zie." Tumatawang sabi naman ni Color.

Napangiwi ako sa kanila.

"Wala akong gustong kahit na ano." Sagot ko kay Xandrei, tumitig lang siya sa akin bago tumango.

"Anyway, wanna come with us later?" Hinawakan ni Xandrei ang kamay ko.

"Where?" Tumingin ako sa kaniya pero si Kian ang sumagot.

"Sheldon's Club Tree, may babantayan kami pero hindi kami maghahanap ng gulo. Masaya rin uminom kahit onti." Kumindat pa siya sa akin.

Bigla nalang ako hinigit ni Xandrei bago takpan ang mata ko.

"You look like a rapist winking on her." Inis niyang sabi kay Kian. Lahat sila ay nagtawanan, napansin ko rin si Theo na nasa unahang upuan na ngumiti rin.

"Tsh! Akala mo naman aagawin! Iinom lang tayo at magbabantay ro'n!" Yamot na sabi ni Kian sa kaniya.

"Safe ba kung isasama natin siya?"

Tumingin sila kay Theo.

"Ayos lang sa'kin, sasama ako." Ngumiti ako ng tipid sa kanila.

"I'm asking them, mas alam nila kung safe ka ro'n." Nangangaral niyang sabi na ikinataka ko.

"Hindi ka ba sasama?" Takang tanong ko, akala ko ay lahat kasama?

Umiling siya sa akin.

"She's with me, so it's okay."

Hindi umimik si Theo at bumalik sa ginagawa niya, nakatingin sa phone at pumipindot.

"Update," Napatingin kami kay Color.

"Sa hideout, may na-detect ang CCTV Cameras at nakita ng guards na may pumasok na hindi kilalang kotse. Bagong gwardiya ang nakabantay kaya hinayaang makapasok. Isang ruta lang ang dinaanan niya, ang ruta kung saan ang daan papunta sa hideout. Nag-slow down at mukhang pinapanood pa yung loob kung may tao o wala. Pagkatapos non ay nagmaneho na ulit paalis." Pinakita niya ang CCTV footage gamit ang phone niya sa amin.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon