CHAPTER 138

128 12 2
                                    

A/N: Nakita ko rati 'yung mga notifications ko, puro pala sila jjesssjessss, UnnieZumi, Macccchiato, AltheaGarcia12NXLT24 ang laman no'n❤️❤️❤️ Maraming salamat sa inyo dahil araw-araw niyong binubuo ang araw ko sa mga nagdaang araw sa Book 1! Maraming salamat din kay Paula Yanong na walang tigil sa kakabasa!😊

Change

Azie' s POV

Pinilit kong bumangon sa higaan kahit napakasakit ng mata ko. Nakatulugan ko nanaman ang pag-iyak ko dahil sa kaiisip tungkol kay Loren.

Kinuha ko ang phone ko sa bedside cabinet at nag-message kay Loren.

To: Loren<3

Good Morning!

Ngumiti ako bago huminga ng malalim, tumayo ako at nagmartsa papunta sa banyo at naligo. Bumaba na rin ako agad nang matapos sa paghahanda para sa pagpasok.

Dating gawi ulit. Araw-araw na akong papasok ulit, pero hindi na babalik ang mga p'wede pa mangyari sa class room namin.

"Good Morning!" Bati sa akin ni Darrece.

"Morning." Bati ni Kuya.

Kinindatan naman ako ni Tristan.

"Morning guys, why did you wake up so early?" I ask Darry. I sat down and started to eat, as usual Mom and Dad is not here. Maaga silang pumapasok para sa trabaho.

"I'll come with you, I will just take a look on your school and go back here." She wink at me.

Ngumiti nalang ako bago kumain ng agahan, sinabi nila na ihahatid nila akong lahat. Nakangiti naman akong nakipagkwentuhan habang iniisip ang p'wedeng mangyari mamaya.

Theo is there.

Umalon ang puso ko ng maramdaman ang saya, kahit papaano ay hindi ako malulungkot. Pero naiisip ko pa rin ang parte niya, alam kong hindi na tulad noon ang pagkakaibigan nilang lahat at napakalaki ng lamat no'n kay Theo at Xandrei.

Sumakay na ako sa kotse, si Kuya ang nagmamaneho habang katabi si Tristan sa unahan. Katabi ko naman si Darry.

"Wanna go party tonight?" She ask me. Mabilis na sumilay ang ngiti ko, hindi ko man aminin sa sarili ko ay nahihiligan ko ang mag-inom sa Japan.

I don't know what's goin' on, but it gives me peace.

"Sure, where?" She winked at me again. Tumawa kaming dalawa.

Nakarating na kami sa Cherowdy, wala akong nakita kahit isa sa kanila. Hindi sila hinahanap ng mata ko pero alam kong noon ay lagi silang nakaabang.

Loren...

Humigpit ang hawak ko sa Bag ko. Nakita ko ang mga estudyante na nqgsilapitan sa kotse namin, mukhang nalaman nila ang balita na ako ang anak na babae ng Atienza.

"You'll be alright, bodyguards are there." Kuya Zairen said, hindi na pinababa ni Kuya si Darry dahil sa karamihan ng tao, nagpresinta pa si Tristan na ihatid ako pero hindi ko na tinanggap. Bumaba na ako at napapikit ng mabilis akong makaramdam ng ingay.

Mabilis akong dumilat at hindi pinansin sila.

"Atienza, Ashley!"

"Dito siya nag-aaral?"

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon