CHAPTER 144

127 9 0
                                    

A/N: Semestral break! May time na ulit sa pag-update!<3

Hide-out

Azie's POV

Bwisit! Hindi umalis sa isip ko ang napag-usapan namin ni Xandrei. Halos hindi na ako nakatulog kagabi, nagkwento nalang ako nang nagkwento kay Loren sa message.

Hindi ko rin alam kung sino ang nakakuha ng phone number ko at kung mayroon ba'ng pinagbigyan si Kuya Zairen.

From: 09*********

Sleep tight, good night!<3

Basa ko muli sa nag-message sa akin kagabi habang nagk-kwento ako kay Loren.

Imposibleng si Xandrei...

Pero posible, pero paano naman niya nakuha ang number ko? Nagsisimula na naman akong mag-isip tungkol sa mga kidnappers.

"Ashley?" Sunod-sunod na katok ang narinig ko. Boses iyon ni Theo.

Tumingin ako sa orasan, 5:15 am pero mukha pa rin akong matutulog dahil sa itsura ng mukha ko. Tumayo ako at marahang naglakad papunta sa pinto, pinagbuksan ko si Theo.

Mukhang handa na siya sa pagpasok, naka-uniform na siya.

"Your breakfast!" Nakangiti siyang pumasok sa kwarto ko bago ilagay sa table ang bitbit niyang tinapay at gatas.

"Sabi ni Zairen, hindi maganda ang mood mo pag-uwi mo. As what I've said, I did keep my mouth shut." Kinindatan niya ako.

Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ako, para akong nabunutan ng tinik. Nakangiting lumapit sa akin si Theo bago hawakan ang kamay ko at hilain ako sa upuan kaharap ang pagkain.

"Kain na, may pasok pa." Nakangiti siyang nakaupo sa harap ko at pinapanood ako. Kumain nalang din ako, tumayo naman siya at lumibot sa kwarto ko.

"Itong libro mo, bakit medyo luma na? Wanna buy new books?" He asked me. Nakatingin siya sa mga libro sa book shelves ko.

"No, those book are the one that left in our house before. Nadumihan dahil sa nangyari." I answered him. Inutos ni Kuya Zairen na kuhanin lahat ng gamit na naiwan namin sa bahay namin noon, at ngayon ay ayaw kong itapon ang naiwan ko.

"Oh, I'm sorry."

Hindi na ako sumagot, nagtuloy nalang ako sa pagkain bago uminom ng gatas.

"Ashley?"

"Hmm?" Habang umiinom ng gatas ay nalipat ang tingin ko sa kaniya.

Napakunot ang noo ko nang makitang may hawak siya, mabilis akong napaubo nang mapagtanto kung ano ang hawak niya.

Picture...

Nilapag ko agad ang baso na hawak ko at mabilis na lumapit sa kaniya.

"Ashley, where did you get this?" Direktang tanong sa akin ni Theo habang nakatingin sa mga mata ko.

(A/N: Picture na nakita ni Azie sa likod ng department- CHAPTER 60)

Hindi agad ako nakapagsalita, inisip ko muna ang sasabihin ko.

"N-nadampot ko sa likod ng department, nagsisigarilyo kayo nung oras na 'yun. H-hindi mo ata napansin na nalaglag mo..." Pahina nang pahina ang boses ko, dahil 'yung tingin ni Theo ay walang emosyon sa akin.

"Come on." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Why you're scared? I'm just asking."

"Akala ko naiwala ko 'to, na sa'yo pala." Rinig kong masaya niyang sabi. "Kukunin ko na ah?"

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon