CHAPTER 169

15 1 0
                                    

The Hideout

Azie's POV

"Papasok ka ba?" niyugyog ako ni Kuya Zairen.

Napakislot ako ng higa, liwanag ang tumama sa mukha ko. Pagkadilat ko ay si Kuya pala ang dahilan, inaayos niya ang kurtina sa kwarto ko.

"Hindi, baka bukas na." bumangon ako saka nag-inat.

"Nga pala, may pinadala si Lorena para sa'yo." tumingin ako sa kaniya, doon ko lang napansin na may regalong nakabalot sa puting box na nakalagay sa mesa ko.

"Salamat." sinabihan niya akong bumaba na para makakain, mukhang papasok na siya dahil bagong ligo siya.

Tumayo naman ako at tiningnan ang regalo, may nakasulat sa papel na nakadikit dito.

Be strong, Ashley Zai!

Napangiti ako, binuksan ko iyon at nakita ko ang isang kulay cream na jacket. Napangiti ako lalo nang makita may kasama pa itong chocolates.

Agad akong nag-message para magpasalamat kay Ate Lorena. Napakabait niya, iniisip niya pa rin ang kalagayan ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto.

Wala na si Kuya Zairen, si Mommy nalang ang naabutan ko sa sala.

"Azie, kumain ka na. Magpahinga ka nalang ngayong araw kung hindi ka pa papasok." sinandukan niya ako ng almusal.

"Thank you, Mommy. Magpapaalam lang po sana ako kung pwedeng kila Chana ako matulong ngayon." pagsisinungaling ko.

Dahil gusto kong sumama sa kanila sa hideout. Gusto kong makasigurado kung anong nangyayari, naalala ko pa ang sinabi ni Aiken na paborito lahat ni Loren ang mga pagkaing naroon.

Ayokong umasa, hindi ako aasa. Pero gusto kong subukan.

"Okay." ngumiti ako kay Mommy nang payagan niya ako.

Mabilis naman akong kumilos, naligo ako at naghanda ng damit ko. Umupo muna ako sa kama ko habang hawak ang phone ko.

Tatawagan ko muna si Xandrei.

"Hello my life?" napangiti ako sa pagsagot niya.

"N-nasaan ka ngayon?" tanong ko.

"Nasa Mall kami ni Kenji at ng iba pa, namimili para sa hideout. How about you?" narinig kong asarin siya ng mga Akugaki.

Natawa ako.

"Wala, ingat kayo." Pinutol ko na agad ang linya.

Tumayo ako, naka sando ako ngayon at susuotin ko ang binigay ni Ate Lorena na jacket. Cute kasi ng pagka-plain at mix ng color.

May bitbit akong bag na medyo maliit, bumaba na ako. Nagpaalam ako kay Mommy bago lumabas. Motor ko na ang ginamit ko dahil baka hindi ko na sila maabutan sa Mall.

Pagkarating ko roon ay pumasok agad ako sa loob. Marami ang tumitingin sa akin, pero hindi ko sila pinansin, mukhang nakilala nila ako.

Pumunta ako kung saan kami dati pumunta, tama nga ako dahil dito ko nakita si Color kasama si Kian.

Ngumisi ako bago sila banggain ng malakas.

"Anong prob--- Zie? Anong ginagawa mo rito!?" gulantang na tanong ni Kian. Tumingin agad siya sa paligid bago ako akbayan.

"Ang daming taong nakatingin sa'yo, ayos lang ba na nasa labas ka?" kunot-noong tanong niya.

"Oo naman, hayaan mo sila. Wala naman silang maiaambag sa buhay ko." sagot ko sa kaniya.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon