CHAPTER 149

109 8 14
                                    

Fireworks

Azie's POV

Sa ilalim ng buwan, nagtatawanan kaming lahat na kanina pa nakaikot pabilog. Iba't-ibang alak na ang nasa harap namin at hindi lang wine, lasing na rin ang iba.

"Oo nga pala..." Napatingin kami kay Liam. "Bakit tayo lang nandito? Akala ko ba may iba kayong inimbita?"

Tumawa si Renji. "Sinabi ko sa iba na na-cancel ang party, mas okay na sa'min na tayo-tayo nalang."

Kaya pala, Buti nalang at inimbitahan din nila si Darry. Alam siguro nila na siya ang nakakasama ko.

Nagulat ako nang sumandal sa akin si Theo, ramdam ko ang init ng pisngi niya sa balikat ko.

"Medyo sleepy na ako..." Rinig kong bulong niya, medyo malambot na rin ang boses niya pero alam kong hindi pa siya lasing.

Pansin ko rin ang pagtingin nila sa amin. Hindi na ako nakapagsalita dahil umayos din ng upo agad si Theo.

"Yeah! You're right!" Si Darry na nakikipag-usap kay Dylan kanina pa.

"Guys." Tinaktak ni Renji ang wine glass. "May a-announce ako."

"Ano yan par?"

"Baka cheese dog yan ah."

"Cheesy yon tanga!"

"Kanina pala, may regalo kaming natanggap galing sa hindi inaasahang tao." Nagtaka kami sa kaniya, tumingin pa sila sa akin.

"Nakatanggap kami ng regalo mula kay Loren."

Kumunot agad ang noo ko sa sinabi ni Kenji.

"Ano? Paano?" Tanong ko agad.

"Matagal na raw naka-reserve 'yon. Ibig sabihin baka noong nabubuhay pa siya, may regalo na talaga siya sa amin." Nakatingin lang kami sa kanila, hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil sa narinig ko.

"Zie." Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Xandrei.

"Okay lang ako." Huminga ako ng malalim. Aayain ko na sana si Darry na bumalik sa kwarto pero nang makita ko siya ay busy siya sa pakikipag-usap pa rin kay Dylan.

"Azie, nakakahiya man pero itatanong ko na sa'yo 'to." Tumingin ako kay Kenji.

"Birthday niyo, kaya wag kayo mahiya." Nagpilit akong ngumiti sa kaniya.

"G-gusto kasi namin makausap ka tungkol sa nangyari." Nahihiyang Sabi ni Renji.

Tumango ako agad, pakiramdam ko ngayon ay bumuti ang pakiramdam ko dahil alam kong wala namang mawawala kung magsasabi ako ng kaunti.

Tumingin pa ako kay Theo, nakatingin siya sa akin at mukhang sinasabi niyang desisyon ko ito.

"Kumusta ka sa Japan?" Panimulang tanong ni Riu.

Kita kong nag-iwas ng tingin si Xandrei sa akin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I'm taking my meds." Tumingin ako sa kanila na nag-aantay ng sasabihin ko. "Na-trauma ako sa nangyari, 'yun lang."

Kita ko ang ekspresyon ng mga mukha nila, nag-iwas ng tingin ang iba, ang iba naman ay pilit na ngumingiti kahit nakikita ko ang lungkot sa mata nila.

"I am blaming myself because of what happened to Loren." Ngumiti ako sa kawalan, napansin kong may tumulong luha sa mata ko. Mabilis ko 'yung pinunasan.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon