My truth.

103 5 0
                                    

"Clan ko ? Anong clan?"

Wala akong kaideideya sa mga sinasabi niya.

" Ikaw, Saya Kanjou.. ay hindi normal na dalaga. . Ikaw ang nawalang anak ni Kagura at Satoshi Kanjou. Ang isa sa pinakamakapangyarihang mag asawa sa japan.."

H-ha? Anu to teleserye? Drama? Pwede na ko sa MMK ah!

"Anu po? H-hindi po possible yan.. ako po a--"

" Saya! Ni minsan ba hindi ka nagtaka kung bakit may pilat ka sa kanang braso mo ?"

Teka, Pano nya nalaman yun?
Yun yung birth mark ko ah.

"Ha? Pano no po nalaman yun?"

"Dahil nandun ako nong bigyan ka ng marka ng ama mo. Ginawa nya yun upang pagdating ng panahon, Muli ka niyang mahanap. Kaya may dojo ang Kanjou clan sa pilipinas.Kaya nandito ang kalahati ng mga ninja namin.Upang paghandaan ang muli mong pagbabalik. Hinintay namin ang tamang oras, Na ikaw ay Dumating sa tamang edad."

H-ha? Dojo?  Ninja??
Wat da fishh!

" ...Nangyayari itong lahat nang lusubin kami ng Haīro clan. Ang kaaway ng ating clan. Napatay nila halos lahat ng ninja namin."

Lumungkot ang expression ng muka niya.

Anu daw??

"Teka, ninja?? Extinct na po yung mga yun. Wala na pong ganun no!"
Protesta ko.

"Kung wala, pano mo ipapaliwanagang mga kilos at galing niya?"
Sabi niya sabay tingin sa kasama ko.
Napatingin din ako sa sakanya.

Panu nga ba?
May tao bang ganito?

"Kung wala, ano ang tawag sa mga magulang m0? "

Natigilan ako sa sinabi niya.

Sino nga ba ang mga magulang ko?

Tunay ba na may ninja?
Tunay ba na SILA ay ninja?

Pano nga ba naging Kanjou ang apilyedo ng isang pilipina?

Pilipino nga ba ako?

O hapon?
Bakit ganito ang hitsura ko?

"At ang mga magulang ko. Nasan sila?"

Ramdam ko ang kaba sa tanong ko. Dahil baka di ko magustuhan ang sagot.

"Ikinalulungkot ko, Ngunit namatay ang iyong ina nang itakas ka niya sa pilipinas. Ipinaglaban ka niya.Ibinuwis ang buhay para sayo.
      Maswerte na naiwan ka na niya bago pa siya paslangin ng mga ninja ng Haīro.
Namatay siya. Na pangalan mo ang sambit."

Namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"At ang aking ama?"

" Ikinalulungkot ko pero--"

Di ko na ipinatuloy ang sasabihin niya.
Alam ko naman na. Baka kung marinig ko lalo pa akong masaktan.

" tama na po, alam ko naman na."

Bakit?

Ano nalng ba ang nagawa namin sa Haīro clan na yan?

Ano ba ang nagawa namin para Pumatay sila ng ganon?

Nabuhay ako na umaasa na may mga magulang ako. Nabuhay ako na umaasa na may dahilan sila kung bakit nila ako iniwan. Na babalikan nila ako.

  Pero ano to?

Patay na sila?

  Umasa ako na may magulang pa ako na magtuturing saking anak.
Handa akong patawarin sila.
Handa akong magsimula muli.

Pero ano to?

Iniwan na nila ako?

"Patawarin mo ako, lubha din kasi akong nasugatan non.
Wala akong nagawa. Patawad..."

Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga pisngi ko.

"Hindi nyo po kasalanan."

"Alam kong masakit, pero Kailangan mong maging malakas para rin sa mga magulang mo..."
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.

" Opo."

" Sige, maaari ka nang magpahinga..
Dahil bukas . Sisimulan mo na ang pagsasanay mo. Kailangan mong magsanay.
Magsanay ka..
Ipaghiganti mo kami.
     Ikaw lang ang pag asa namin..
Dahil nasayo ang dugo ng princesa ng kanjou. Ikaw ang magmamana lahat ng ito"

Tumango nalang ako.
Nag bow muli kami at lumabas ng kuwarto.

sabay sa paglalakad namin ang pagtulo  ng luha ko..

Mana?
Princesa?

Wala pa akong ganang isipi yann.

Ang alam ko lang

Magbabayad ang Pumatay sa mga magulang ko..

Hindi lang mga magulang ko ang pinatay nyo. Kundi ang pag asa ko.

Ang pag asa ng mga kanjou.

Magbabayad kayo.

Mamamatay kayong lahat.

Ipapadanas ko sainyo ang lahat ng ginawa nyo samin.

Hintayin nyo ko.

I will avenge my parents.

The Ninja ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon