The Forest.

78 2 0
                                    

Nagsimula kaming maglakad papuntang kagubatan. Simula palang kailangan maging alerto na. Nasa paligid lang ang mga pagsusulit.

Habang naglalakad kami panay ang tingin namin sa likod.

Lumipas ang 4 na oras na paglalakad at nakahanap rin kami ng pwedeng upuan.
"Haay, anu ba yung mga pagsususlit na dapat nating abangan dito?"
Tanong ko kay Renkou.

"May mga makakalaban tayo. May mga nilalang na magpapakita satin. At ang kakayahan na makahanap ng maiinom at makakain. Sa loob ng isang linggo."
Sagot niya.

" San naman manggagaling yung mga kalaban? Wala naman tayong kalaban dito ah.."
Tanong ko habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko.

"Gagamit sila ng mahika, mga illusyon ng mga kalabang ninja. Pero, mga illusyon man sila, kailangan parin nayin silang labanan. Hanggang sa sila na mismo ang maglaho."
Ahhh. Ganun..

" Sinong gagamit ng mahika?"

"Isang tanong naging isang dosena.."
Malamig niyang sagot.

Tsss.

"Oh sige last na. Isa nalang, promise."
Pilit ko.

"Kung sasagutin ko ba to titigil ka na?"
Tanong niya sabay higa sa ground.

"Oo.. pano mo nalaman ang lahat ng ito?"
Binuksan nya ang mga mata niya.

"Dahil napagdaanan ko na ito."

Napatingin ako sakanya.

"May kasam ka din b--"

"Shhhtt.."

Haaay.. oo nga pala, last ko na yun.

Tumingin nalang ako sa malayo..

Pero may bigla akong narinig.
Parang tibok ng puso.

"Rinig mo ba yun?"
Bulong sakanya.

Bumangon sya pagkakahiga

"Oo.."
Tumingin sya sa paligid.

"Andito na sila."
Tumayo sya bigla at ganon din ako.

May mga nakaitim na nagsi-usbungan sa harap namin.

Ihinanda ko ang sarili ko.
Sumugod yung isa sakin.

Inilagan ko ito at nang nalagpasan ko na sya, tinusok ko sya sa likod gamit ko ang katana ko.
Naglaho yung tao.

Another one charged at me.
Dinepensahan ko ang tira nya at ginamit ang bilis na natutunan ko upang ibalik sakanya ang tira.
Naglaho muli ang isa.

Itinuloy-tuloy ko lang ang ginagawa ko. Paisa-isang naglalaho ang mga illusyon bawat saksak.

Nang tignan ko at wala na sila.
Itinago ko na ang katana ko.

Ng may presensiyang biglang lumitaw.
Lumingon ako sabay unsheathe ng katana.

Umatake ako ng bigla nyang hawakan ang wrists ko and spun me around. Before I realised it, my sword is before my neck. Nakatalikod ako sa illusyon at ito ay handa na akong patayin, ng bigla itong maglaho.
I turned around.
Si Renkou ang nareveal sa pag laho ng illusyon.

"Salamat. "

"Magingat ka sa mga tira mo."
Tumango ako.

"Ahh, ano ba dapat gagawin pag nangyati ang ganon?"
Tanong ko.

" Dont watch the weapon, watch the person behind it."

"Ha? Pano? Example. "

Inilabas nya ang katana nya.

"Atakehin mo ako."

"Ha? Seryoso ka? Bakit naman kita aatakeh--"

"Basta gawin mo."

Wala akong choice kundi sundin ang sinabi nya.

I charged at him. Tatamaan ko sana yung katana niya para mawalan sya ng depensa pero instead, he caught my wrist and spun me around.

He was about to slash me with my own sword.

Exactly nong nagyari kanina.

"Nakatingin ka kasi sa espada ko. "
Sabi nya sabay bitaw sakin.

"Dapat ang ang tinignan mo yung susunod na gagawin nang may hawak ng sandata. Pero wag mong ipapakita ang susunod mong tatamaan."

"Ganon ba? Sige isa pa."

Inatake ko ulit sya. He defended my attack. Tinignan ko ang susunod nyang gagawin. Pero ang hirap kasi hindi sya nagbibigay ng clue.
He pushed my sword back and about to cut my stomach.

"Bilis, bilis ang kailangang mo. Nagawa mo na kanina nung nakikipag laban ka. Wag ka lang mawawalan ng consentrasyon. "

Huminga ako ng malalim at muling ginawa ang mga sinabi nya.

I increased my agility.
I read his next move. Hindi ko pinakita ang susunod kong galaw.
And next thing I know, I was pointing my sword at his neck.

"Tss. Anu ka ba. Magseryoso ka naman, Impossibleng natalo kita ng ganon kadali."
Sabi ko sabay baba ng katana.

Tumawa sya.
"Mabuti at alam mo kung ano ang pagkakaiba ng tunay na tagumpay sa peke."

Napangiti narin ako.
Come to think of it. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti.
He looks cute.

Urggh!! Stop it Saya! Kanina ka pa ah!

This time sya naman ang Umatake. Angbilis nya, I tried my best to defend myself. Tumagal lang siguro yung sword fight namin ng 1minute.
And in no time I found myself lying on the ground. His sword horizontally directed to my neck. He's right above me.

Napatitig nalang ako.
Nakaluhod sya sa left side ko.
His serious face towering above me.

Napalunok ako sa nakikita ko.

The Ninja ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon