Miyuki the fox.

71 2 0
                                    

Pagmulat ko ng mga mata ko, nakakasilaw na liwanag ang bumati saakin. Pilit akong bumangon inspite ang sakit na nadarama ko sa buong katawan. Tumingin ako sa paligid. Nakatayo na sya.. he's faced towards the horizon before us.

"Kamusta ang sugat mo?"
Tanong ko sabay tayo at lapit sakanya.

"Magaling na."
Sagot nya. Tinignan ko ang sugat nya, magaling na nga. Pero may konting bruise parin.

"Hhmm. Mabuti naman." Tinabihan ko sya at tumingin din sa malayo. Unti unting bumabalik ang mga ala-ala kahapon. Unti-unti ding bumabalik ang sakit. Ang mga kasama ko. Si Yumi. Ang mga magulang ko.
Iisa lang ang Pumatay.
Ang Haīro clan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mata ko. Agad ko din itong pinunasan. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan.
Tinignan ko si Renkou. Yun parin ang muka niya. Walang emosyon.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko. Ibinaling nya ang tingin sakin.

"Sa tingin ko kailangan na nating ilabas ang pera ng mga magulang mo." Nagtaka ako sa sinabi nya.

"Pera? Pano nangyari yun? Patay na sila. " Sagot ko.

"Nasabi sakin ng aking ama na mayroong pera na naitago ang iyong mga magulang sa gubat ng dilim noong itakas ka nila. Initago iyon para sa panahong kailanganin mo ito, katulad ng ngayon. Ay may magamit ka." Paliwanag nya.

Hindi ako makapaniwala. May ganon pala silang ginawa?

"Pano mo naman nalaman yun? At kung ganon din lang baka nakuha na nila Akira yun." Protesta ko.

Tumingin sya ng seryoso sakin saka nagsalita.
" Sa ama ko lang ipinaalam yun."

Nagsimula syang maglakad.
"Ha? Bakit naman? Bakit sayo lang? At saan naman hahanapin yun?"
Ano ba yan biglaan to ah.

"Sumunod ka." Nagsimula siyang tumakbo. Sumunod nalang ako at tinungo ang kanluran.

.............

Nakatayo kami ngayon sa isang branch ng napakatayog na puno. Nagmamasid ng mga maaaring dumating. Ng ilang minuto na ang lumipas at wala kaming nasense na panganib, tumalon kami pababa at sinunod ang isang tunnel. Kweba ata. Pagpasok namin, isang napakalawak na kweba ang sumalubobong saamin.

"Pano to?" Bulong ko.

"Dahan dahan ka lang." Naglakad kami papunta sa pinakadulo kung saan nakakita ako ng isang wooden chest. Pero ng bubuksan na ito ni Renkou, isang nakakasilaw na liwanag ang sumakop sa paligid. Natumba kami sa sobrang lakas ng pwersa.
Inimulat ko ang mga mata ko, isang babae na may puting napakahabang buhok ang sumalubong saakin. Napaka ikli ng kimono nya at halos makita na ang dibdib nya. May tenga sya na parang pusa at may buntot. Puti rin ang kulay nito.
Okkkkkayyyy? ??

Ano nang nangyayari? Tumayo ako dahan dahan at dumistansya sa babae. Totoo ba to? May nilalang palang ganto.
O namamalikmata lang ako?

*In nihonggo
"Hindi maaaring hawakan ang baul na to ng hindi kadugo ni Satoshi - sama. " declara ng babae gamit ang napakatinis netong boses.

"Ako ang anak nya. Ako si Saya Kanjou. "
Pakilala ko. Pero I doubt na maniniwala sya.

" Tunay nga. Ako ang magsisilbing saksi na siya ang anak ng nawalang pinuno. " patunay ni Renkou.

"Patunayan mo." Hamon nya sabay ang pag emit ng puting liwanag galing sa kamay nya.
Napanganga ako sa nakita.
"..kung tunay na anak ka ni Satoshi - sama, dapat makayanan mo akong talunin...na wala kang katana." Tuloy niya.

Ha??? Pano ako makakalaban ng walang katana?

"Hindi pwede yun no! Ito kaya ang sand--"

"Spinjitzu ka dba? May kapangyarihan ka dapat mula sa iyong ama. Kung ikaw nga ang anak nya."
Naalala ko, may hangin nga pala ako. Pero di ko alam kung pano gamitin.

"Pero--"

"Wala nang pero pero. Laban na!!" Sigaw nya sabay atake. Tinamaan ng puting liwanag ang katana Ko at tumalsik sa likod. Ibinaling ko ang tingin sa Babae. Tumira uli sya, ngayon naman mismong saakin. Inilagan ko ito. Muli syang naglabas ng liwanag, umiilag lang ako, hanggang sa matamaan nya ako sa mismong left shoulder ko.
Ang hapdi. Parang mainit malamig ang feeling. Natumba ako. Tumakbo palapit sakin si Renkou, plinano din syang patamaan nong babae pero masyadong mabilis si Renkou kaya nailagan niya ito.
Lumuhod si Renkou sa tabi ko at tinulungan akong tumayo.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.
"Oo, ayos lang ak--"

"A-a-ahh! No helping, lover boy." Asar nong babae. Naglabas sya ng puting pwersa, napakalaki nito at makapagyarihan kaya napa-atras din si Renkou.

"Renkou! .." Tumingin ako sa babae. Nakakainis na to ah. Hindi lang ako nagseseryoso eh.
Tinalasan ko ang mga senses ko at umatake. In no time I held the girl's wrists and pinned her to the wall. I smirked.
Muli syang naglabas ng enerhiya at naitulak ako pabalik.
Haaaiist!

Nagconsentrate ako. Pinikit ko ang mga mata ko at nagipon ng inner energy. As I opened eyes, wind blew stronger around the place.
"Haaaaa!!" Naginit muli ang dibdid ko, umatake ako at nailabas ang napakalakas na hangin mula mismo sakin na syang nagpatumba sa babae. Muli syang tumayo at umatake naman. Naramdaman ko uli ang hapdi. Pero Pinilit kong tumayo.
Kailangan kong gawin to.

Once again I closed my eyes and concentrated. Pag mulat ko, sobrang nagiinit na ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan. Pero I took advantage of my strength and attacked. In a split second the girl was sitting and rubbing her ears? ?
She seemed amused.

"Hhmmm.. looks like I found myself a new master."

The Ninja ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon