Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa silid ng pinuno. Linakad namin mula sa kwarto hanggang makarating kami sa silid.
Nagbow kami at umupo."Ito ang huling dalaw mo sa silid ko Saya, dahil ngayon ko na sasabihin ang huling dapat mong matutunan.."
Ano kaya yon?
"Ganon po ba? Ano po yon?"
"Ikaw ay magsisimula nang magaral sa paggamot."
"Ahh.. pero bakit po ako? Wala po akong ka alam alam jan."
"Ang mga walang alam lang ang tinuturuan. Hindi maaaring turuan ang taong magaling na."
Wow. Words of wisdom.
"Kung ganon po ang magiging guro ko pa ay s--"
Natigil ang sasabihin ko.Kung ganon.
Magiging guro ko si..
"Oo, magiging guro mo ang aking anak. Si Akira. Ikaw ang aking napili dahil alam kong kaya mo.
Kaya mong sundan ang yapak ng nanay mo."So, manggagamot din pala ang ina ko.
" Saya, galingan mo."
"Opo. Maraming salamat po."
"At isa pa, dapat matuto ka ring magsalita at magsulat ng wikang hapon. Hindi mo man nakasanayan, pero isa ka ring hapon. Dapat lang na matutunan mo iyon."
Oo nga, para maintindihan naman ang mga pinagsasabi ng mga tao dito.
Kaisa isang hapon lang naman ako na walang alam sa sariling wika.Pero kahit hapon ako sa dugo.
May parte parin sa puso ko na pilipino. Dito ata ako lumaki no.
"Gagawin ko po ang aking makakaya."
"Mabuti. Sige, maari na kayong magsimula sa pagsasanay."
"Hai."
Sagot naming dalawa ni Renkou.Tumayo kami at nagbigay galang.
BINABASA MO ANG
The Ninja Returns
AksiIsang kwento tungkol sa isang antisocial at bullied n estudyante. .. boring.. gloomy. . loner.. once. .. but now that she knows her bloodline. . what will she do.. when she finds out na.. anak siya ng ninja. . at dito rin sa katotohanan na ito.. ma...