"Hi! Sorry... wala na pala akong load, ite-text sana kita. Nakauwi na ako." Tugon ko agad sa kanya nang sagutin ko ang tawag niya.
"Mabuti naman. Don't do that again. It's not safe for a girl to still be out that late."
"Safe pa naman nang ganoong oras. Ginagawa ko naman 'yun tuwing may homework na kailangan ng computer," paliwanag ko sa kanya.
"Alright. Good night, Medrano."
"Good night, Montejo." Mas lalong humigpit ang kapit ko sa sofa, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mabuti nga at hindi ako nauutal habang kausap siya. Grabe ang kaba ko pero hindi ko dapat iyon ipahalata.
"You should end this call..." aniya nang pareho kaming natahimik.
"Oh... okay..." at tinapos ko na ang tawag. Dahan-dahan kong inalis ang mahigpit na kapit ko sa sofa. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito, na tatawagan niya ako. Napahawak ako sa aking dibdib. Totoo ba ang lahat ng ito? Kinurot ko ang aking pisngi bilang patunay. "Aray!" daing ko. Totoo nga talaga!
Kumain na ako at sa tingin ko ay hindi ako makakatulog agad kaya naman hinanap ko na lang ang knitting set ni Mama, may mga natitira pa siyang yarn kaya iyon na lang muna ang pagpra-practice-an ko. Nang mahanap ko ay nilapag ko sa mesa ang sinulat kong step by step procedure. Mukha namang madali lang.
"Ang hirap pala, mukha lang madali..." reklamo ko nang makita kong nagkakabuhol-buhol ang yarn nang subukan ko. Ilang araw na lang at Christmas Party na namin. Akala ko ay kakayanin kong gawin ito ng isang araw lang subalit mukhang hindi kaya nang isang araw lang para sa baguhang tulad ko. Kailangan ay bukas na bukas din makabili na ako ng yarn.
"Hindi ka pa matutulog anak?" nagmano ako kay Mama at Papa nang dumating sila. Napatingin siya sa hawak ko. "Para saan 'yan anak?" napakagat-labi ako.
"Exchange gift po sana. Kaso ang hirap pala. Kapag kasi ikaw ang gumagawa mukha naman pong madali." Bahagyang natawa si Mama.
"Ilang taon bago ako nahasa talaga. Mahirap sa umpisa kaya practice ang kailangan talaga. Kakain lang kami ng Papa mo at tuturuan kita." Ani Mama bago sila dumulog ni Papa sa hapagkainan.
"Para ata sa crush mo 'yan Mara." Biro ni Papa. Agad akong umiling. Natawa na lang sila ni Mama.
Hinintay ko silang matapos at tumulong na rin sa paghuhugas ng pinagkainan nila dahil alam kong pagod sila. "Halika rito anak, turuan na kita." Lumapit ako kay Mama at umupo sa tabi niya, nakita niya ang notebook ko na may drawing ng step by step procedure kung paano gagawin. "Ang galing mo talagang mag-drawing anak." Ngumiti ako. Minsan lang kami magkausap ni Mama nang ganito. Noong unang nakasama ko sila ay medyo naiilang pa ako dahil nga sa probinsiya ako lumaki at matagal bago kami nagkasama-sama ulit.
"Ganito muna anak, sabayan mo ako." Inabot niya sa akin ang knitting needles, mayroon din siya. Sinundan ko ang bawat galaw ng kanyang kamay na may hawak na needles. "Ayan tama 'yan...relax ka lang gigil ka masyado. Galit ka ba sa pagbibigyan mo?" natatawang puna ni Mama. Na-excite lang siguro ako kaya ganoon. "'Yung bilhin mong yarn iyong makapal at maganda ang kalidad, para mas maganda at magagamit talaga tuwing taglamig. Kung mayroong Wool, iyon ang piliin mo. Teka hindi naman gaanong malamig dito sa atin para kailanganin pa ang scarf."
"Iyong nabunot ko naman po ay madalas nagbabakasyon sa malalamig na bansa tulad po ng Japan." Namangha si Mama sa sinabi ko.
"Mayaman?"
"Opo..."
"Magkano ba ang exchange gift niyo anak?"
"Minimum po ay 300, Ma. Pero okay lang daw pong mas mahal dun, kaya naisip ko na pag-effort-an 'yung ibibigay ko kasi anything naman po 'yung nasa Wishlist niya." Kwento ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
Beside the Distant Star [ongoing]
Подростковая литератураThey say first love never dies and in her case it even grows. Koen Leonardo Montejo, smart, handsome and popular guy in school -one might think he's actually a fictional character from a romance novel. An ideal guy to everyone, a distant star to Sa...