Nang matapos nga ang fireworks display at ang ilan pang pagputok ng mga paputok ay agad akong lumabas, it's almost 2 AM.
Hinihingal na ako nang makalapit sa sasakyan nila.
"Dapat ay umuwi ka na. I'm sorry for making you wait..." I bit my lower lip as I felt guilty about making him wait that long. Kakauwi niya lang galing Japan at paniguradong pagod siya.
"It's worth it. Pwedeng yumakap?" he looked hesitant for a while until I nodded. For a couple of minutes, we didn't say anything as our hearts beat against each other. "I missed you." He whispered.
"I missed you too."
"I better go home." Gusto ko sana siyang yayain sa amin pero tingin ko ay mas kailangan niya ang pahinga. Ang tagal niyang naghintay bago ako lumabas.
"Thank you, Koen. Happy New Year!"
"Happy New Year, Samara."
Pasukan na naman. Kailangang mas doblehin ko ang pagsisikap ngayong taon sa pag-aaral. Kumpara noong nakaraang taon ay mas maaga akong pumasok ngayon. Gusto ko sanang makapasok din sa Top 10 students, medyo imposible pero pagsisikapan ko. Gusto kong umakyat sa stage tulad ni Koen habang sinasabitan ng medalya, regalo ko na rin sa mga magulang ko. He became an inspiration to me.
"Good morning, Samara. Ang aga mo ngayon a!" puna ni Ally sa akin. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Sari at sinabayan kami sa paglalakad papasok ng silid-aralan namin. Binati ni Ally ang aming mga kaklase habang ako ay simpleng tango at ngiti ang ginawad sa kanila. I'm still the shy and awkward classmate to them.
It's almost time but I still couldn't feel Koen's presence. Hindi ba siya papasok ngayong araw? Hindi naman siya nagsabi sa akin. Ang huli naming pag-uusap ay noong bagong taon pa. Natawa ako sa aking sarili, hindi naman niya kailangang sabihin sa akin ang mga gagawin niya, kung papasok man siya o hindi. But at the back of my mind, I'm worried. What if something happened at home? Nagkasagutan na naman ba ang mga magulang niya?
Should I text him?
I was staring at my phone when I received his message.
From Koen Montejo:
Hi! I just started training for Math Competition, next month. In case you're looking for me :)
Ngumuso ako. Mabuti na lang ay hindi ko naisipang i-text siya bago siya makapagsabi sa akin. Nag-reply ako ng: Good luck! Galingan mo :)
I didn't receive another text from him after that, so I focused myself on the lesson Ma'am Angeles is discussing. Pagkatapos ng discussion niya ay aakyat kami sa Science Laboratory para sa experiment namin ngayong araw.
It was a long day. Ramdam na ramdam ko iyong pagod, ilang araw din kasi akong nakapagpahinga sa bahay kaya baka nasanay ang katawan ko dahil sa pahingang iyon at ngayon naman ay naninibago. Nakakapagod talagang mag-aral pero kailangan.
"Tahimik mo naman masyado." Tumingin ako kay Ally 'tsaka bahagyang natawa.
"She's always the quiet one, Ally." Depensa ni Sari para sa akin.
"Today felt different." Nagkibit ng balikat si Ally saka umakbay sa akin. "May nami-miss siguro? Gusto mong dumaan muna tayo sa library?" I already knew what's she's trying to imply. Inilingan ko naman siya.
"Tara na." Hindi ko alam na magkasabwat na pala sila ni Sari sa planong ito dahil imbes na sa gate ng school ang tungo namin ay kumaliwa silang dalawa kasama ako patungong library.
"Sari, Ally... nakakahiya." Bulong ko sa kanilang dalawa. We're nearing the library's entrance, so I lowered my voice.
"Anong nakakahiya? Gagawa tayo ng assignment sa Filipino!" sabay namin siyang sinuway ni Sari dahil napalakas na naman ang boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/329883900-288-k122505.jpg)
BINABASA MO ANG
Beside the Distant Star [ongoing]
Teen FictionThey say first love never dies and in her case it even grows. Koen Leonardo Montejo, smart, handsome and popular guy in school -one might think he's actually a fictional character from a romance novel. An ideal guy to everyone, a distant star to Sa...