Chapter 5

1.1K 75 60
                                    

"Bukas saan pala tayo magkikita-kita?" Denella went to us, actually kay Koen lang dahil sa kanya lang ito nakatingin. December 8 na bukas kaya naman kailangan na naming mamili ng mga sangkap. Sumunod namang lumapit sina Gabriel at Anthony, nag-aabang sa instructions ni Koen sa pagpunta sa bahay nila. Nagpanggap akong may ginagawa sa aking notebook pero nakikinig naman ako sa usapan.

"Pwede na kayong dumiretso sa bahay namin. Just tell my surname in case guards of the subdivision will ask."

"May nakapagsabi sa akin na istrikto raw doon sa inyo. Sa isang exclusive subdivision kayo diba?" si Gabriel.

"I'll inform them beforehand na may mga parating akong kaklase para hindi na kayo tanungin pa kung bakit kayo pupunta sa bahay namin."

"Mas mabuti nga iyon." Tuwang-tuwang singit ni Anthony.

"Mara! Mara! Uwi na tayo." Lumapit sa akin sina Allyrose. Tumango ako saka nag-ayos ng gamit.

"Medrano, susunduin kita bukas." Parehong nanlaki ang mga mata ni Sari at Ally sa naging pahayag ni Koen.

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko namang pumunta roon."

"Okay susunduin kita. Hindi ka na nga nagpahatid sa akin ngayon tapos hindi ka pa magpapasundo bukas." Gusto kong ipilit na huwag na pero alam kong hindi siya magpapatalo, ipipilit niya iyong gusto niya.

"Okay daw sabi ni Samara," si Allyrose na siyang sumagot na para sa akin. Tipid akong ngumiti kay Koen.

"Nasaang level na kayo ni Koen ha?" pang-uusisa na naman ni Ally. Si Sari naman ay nakikinig lamang sa amin. "Kayo na ba?"

"Ally naman." Ngumuso ako. "Hindi kami. Walang kami." Diretsahan kong sagot sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya.

Tulala ako nang makasakay sa jeep. Iniisip ko pa rin ang pakikitungo sa akin ni Koen. Dapat ba akong mag-assume na hindi iyon pakikitungo ng isang kaibigan lamang.

"Bayad po, makikisuyo po." Kinuha ko ang bayad ng katabi ko at inabot sa jeepney driver. Tumunog din ang cellphone ko mula sa aking bulsa. May mensahe akong natanggap mula kay Koen.

From Koen Montejo:

Susunduin kita bukas. Okay lang ba sa'yo ang 8 AM?

Mabuti at pina-loadan ako ni Papa kaninang umaga kaya nakapag-reply ako kay Koen na okay lang naman sa akin ang ganoong oras.

From Koen Montejo:

See you, Medrano :)

Nang makarating sa bahay ay sinimulan kong muli ang ginagawa kong scarf. Malapit na akong matapos, tiyak na kaya ko na itong matapos hanggang madaling-araw.

"Patapos ka na anak." Bati sa akin ni Mama nang makita niya ang scarf na ginagawa. Nagmano ako sa kanila ni Papa. "Kung gusto mo ay pwede nating lagyan ng initials ng pagbibigyan mo." Mungkahi ni Mama na agad kong sinang- ayunan, maganda nga iyon. "Kakain lang kami ng Papa."

"Anak o," inabot sa akin ni Papa ang burger na dala nila ni Mama.

"Salamat po, Pa." Maingat akong kumain nito, takot na baka madumihan ang scarf.

Nakatulog na si Mama sa tabi ko habang tinatapos ko ang scarf. Alas onse ng gabi nang matapos ko ito. Maingat kong ginising si Mama, nangako kasi siyang tutulungan niya ako sa paglagay ng initials ni Koen. Gisingin ko raw siya kung sakaling makatulog siya habang naghihintay. Si Papa ay tulog na sa kanilang kwarto ni Mama.

"Ma, tapos na po ako." Halos ibulong ko ito sa kanya. Nag-inat siya bago tuluyang bumaling sa akin. Sinuri niya muna ang gawa ko bago kami nagsimula sa paglalagay ng initials ni Koen. Ako ang gumagawa habang sinusundan ko ang bawat sasabihin niya.

Beside the Distant Star [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon