Hello guys! Na-miss kayo ni Koen at Samara. Please leave a lot of comments for them, para mas nakaka inspire magsulat. Thank you!
#besidethedistantstar on twitter, share me your thoughts and how much you miss them :)
_____
Bago ako tumungo sa classroom ay dumaan muna ako sa library upang silipin kung nandoon na ba si Koen subalit wala pa siya roon. Siguro ay ibang oras sila pumapasok para sa training nila ni Kuya Arlo. Hindi pa man ako nakakarating sa tapat ng classroom namin ay rinig ko na ang ingay na nanggagaling mula sa classroom.
"Kissing booth, para masaya!" nagtawanan ang mga kaklase ko sa mungkahi ng kaklase naming lalaki. Napakunot naman ako ng noo, masyado pa kaming bata para sa ganoon at para saan iyong mungkahing iyon.
"Muntik ka atang ma-late ngayon. Kumusta naman iyong plano mong mas aagahan mo ngayong taon?" ngumisi ako kay Ally. "May nalalaman ka pang New Year, new me." Natawa na lang kami ni Sari.
"Napasarap ang tulog ko. Akala ko ay Sabado na ngayon. Bukas babawi ako."
"Loka, bukas ay Sabado, anong ibabawi mo?"
"E 'di sa Monday, babawi ako." Natawa na lamang kami sa hirit ko. Inilingan na lang nila akong dalawa. "Anong meron? Bakit may kissing booth?" umupo ako sa tabi ni Ally dahil bakante ito at wala rin sa kani-kanilang mga upuan ang mga kaklase namin.
"Foundation week sa February 15-21," bulong ni Ally sa akin saka nginuso si Herschel na nasa unahan, pinangungunahan ang buong klase para sa gaganapin na okasyon. "Per section per year level ay kailangang may booth na isasali sa foundation week." Hindi iyon uso sa probinsya kaya ito ang unang pagkakataon na makakaranas ako ng ganito.
"Hindi pwede ang kissing booth," anunsyo ni Herschel. "Nakalagay iyon sa memo na binigay ng student council sa amin." Narinig ko ang kanya-kanyang reklamo ng mga kaklase namin.
"Sa cheeks lang naman!" hirit pa nang isa, nagtawanan ang lahat. Napailing na lang si Herschel sa kanila.
"Marriage booth na lang."
"May nauna na sa Marriage booth." Ani Herschel habang tinitingnan ang hawak niyang papel.
"Jail booth, para mas malaki ang kita."
"Meron na rin."
"Why not may magpe-perform like Koen? I know he can sing, right Herschel?" may kaunting kilig pa sa boses ni Denella. "I heard him sing once guys and as in ang ganda ng boses niya!" pagmamalaki niya sa lahat, mas naging halata ang kilig niya ngayon. Maging ang mga kaklase kong may gusto kay Koen ay lalo pang humanga sa kanya kasama na ako roon. I didn't know he can sing.
"Look at Herschel's face, she's making it so obvious that she's irritated." Napatingin ako kay Herschel na ngayon ay seryoso na.
"He can't." Singit ni Herschel dahil halos lahat ng babae ay wala na sa kanya ang pokus.
"Tinanong mo na? I can ask him." Ngumisi si Denella. Tumikhim si Ally at makahulugang tumingin sa akin.
"Aren't you aware that he's training for the Math Competition?"
"Hindi naman isang buong linggo siyang kakanta. One day won't hurt. Besides he needs to rest too from solving all those Math problems. Aware ako Herschel. I won't be making any suggestion if I wasn't." Inirapan ni Denella si Herschel. "Palibhasa kasi gusto mo sa'yo lang si Koen, e, hindi ka naman gusto."
"O, huwag kang iiyak!" hindi ko alam kung sino ang inaasar ni Anthony pero si Herschel ang mukhang labis na napikon, napigilan niya lang ang pakikipagsagutan dahil alam kong may sinusunod siyang imahe. Someone who can be a role model to everyone. Kaya naman hindi niya na pinatulan pa si Denella.
BINABASA MO ANG
Beside the Distant Star [ongoing]
Teen FictionThey say first love never dies and in her case it even grows. Koen Leonardo Montejo, smart, handsome and popular guy in school -one might think he's actually a fictional character from a romance novel. An ideal guy to everyone, a distant star to Sa...