Chapter 4

1.1K 79 59
                                    

Nang makasakay kami sa kotse nila ay binati ko agad si Kuya Mati saka ako humarap sa kanya. "Uminom ka ng tubig, ang dami mong nakain na tsokolate." Paalala ko sa kanya.

"May tubig ka ba?" he asked.

"M-Mayroon naman, bakit?"

"Pahingi ako. Naubos ko na kasi ang tubig ko kanina."

"Akin na ang lalagyan mo ng tubig at sasalinan ko."

"Naiwan ko sa classroom," nalaglag ang panga ko. Totoo ba o gusto niya lang makita ang magiging reaksyon ko. "What? You don't believe me?" natatawa niyang binuksan ang kanyang bag at pinakita sa akin na wala nga roon ang lagayan niya ng tubig. Kinuha ko ang tumbler ko at tsaka ko kinuha ang malinis kong panyo mula sa bulsa ng palda ko para sana mapunasan ang tumbler bago siya uminom.

"Pupunasan—" kinuha niya sa akin ang tumbler at uminom mula rito, hindi ko siya nakitaan ng pandidiri man lang samantalang ako ay nakaramdam ng hiya. Ilang beses pa naman akong uminom ngayong araw doon. I then realized we really shared the same tumbler. Napaawang ang bibig ko, hindi makapaniwala.

"Thank you." Binalik niya sa akin ang tumbler.

"You're welcome."

Hindi na kami nag-usap pa pagkatapos. Nang tumigil sa kanto ay agad akong nagpasalamat kay Kuya Mati at Koen. "See you tomorrow, Medrano."

"See you!"

Tumakbo ako patungo sa bahay namin. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang pinto namin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa pagbubukas pa lang ng pinto. Napasandal na lang ako sa pinto pagkasara ko nito. Iyong tumbler at mga labi niya. Napailing na lang ako. Hindi iyon indirect kiss! Masyado pa kaming bata para sa ganoon.

Napaigtad ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

From Allyrose:

Hindi ako papasok bukas. Hehe ;)

From Sarifah:

Baka ako rin hindi papasok, wala namang gagawin bukas. :)

Nag-reply ako sa kanila na pag-iisipan ko pa lang kung papasok ako bukas. Siguro kung hindi ko matapos ang scarf ay hindi na lang ako papasok bukas. Ilang araw na lang ay Christmas Party na, a day before that ay kailangan ko pang pumunta sa bahay nila Koen para tumulong sa pamimili ng mga sangkap sa ia-ambag namin sa gagawing cordon bleu.

Tama na ang pag-iisip tungkol sa tumbler ko na ininuman ni Koen, kailangan ko nang matapos ang scarf.

Kumain muna ako bago magsimula. Nakatanggap pa ako ng ilang mensahe mula kina Ally at Sari na huwag na rin daw akong pumasok dahil wala akong kasama bukas. Pero naisip ko ring sayang kung hindi ako papasok, baka ma-disappoint sa akin ang boss nila Papa na hindi ako complete attendance. Sila ang nagpapa-aral sa akin kaya dapat motivated ako araw-araw na pumasok.

Kinuha ko ang notebook kung saan nakaguhit ang paraan ng pagganchilyo ng scarf, medyo sanay naman na ako pero maganda pa rin kung may titingnan para maiwasan ang pagkakamali lalo pa't final product na itong gagawin ko, hindi na ako pwedeng magkamali tulad nang magkabuhol-buhol ang mga yarn.

"Hindi ka pa matutulog anak?" nagmano ako kina Mama at Papa nang dumating na sila. Alas-diyes na pala ng gabi, hindi ko na namalayan ang oras. "Huwag ka agad magbabasa ng kamay pagkatapos mo riyan. May pasok ka pa bukas kaya huwag kang masyadong magpupuyat." Paalala ni Mama.

"Opo Ma, hindi pa naman po ako inaantok."

"Anak..." sinubuan ako ni Papa ng maliit na donut. Habang nagga-ganchilyo pa rin. "Huwag mo masyadong pagurin ang kamay mo, mahalaga 'yan." Paalala niya naman saka niya ako pinainom ng yakult na may straw.

Beside the Distant Star [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon