I felt happy.
"Buksan mo, dali." Pangungulit sa akin ni Allyrose. Nakatanggap ako ng premyo dahil nanalo ako sa laro kanina. Hindi ko pa ito nabubuksan kaya panay ang pangungulit sa akin ni Ally upang buksan ito.
"Ito na, bubuksan na."
Planner, iyon ang premyong natanggap ko.
"Ang ganda!" sinilip din ni Sari ang premyo ko dahil sa medyo napasobrang reaksyon ni Ally.
"Kung gusto mo sa iyo na lang," umiling siya sa akin. Siguro ay bibili na lamang siya ng tulad nito.
Pagkatapos ng huling laro ay kumain na kami. Namangha ako nang makita ang mga pagkain, hindi nga ako pamilyar sa dala ng iba kong mga kaklase. Sa Probinsiya ay simple lang ang mga hinahanda pero masasarap pa rin naman. Pabonggahan pa nga rito nang pagkakapresenta ng mga pagkain.
"Pagkatapos natin dito ay doon naman tayo sa chocolate fountain." Tumango ako kay Ally. Ngayon lang din ako nakakita ng ganoon, tsokolate raw iyong parang tubig na umaagos sa fountain, may ganoon pala. Iba-iba ang nakapalibot doon, may mga prutas tulad ng strawberry, ubas at saging, mayroon ding mga marsmallow at iba pang pagkain na pwedeng haluan ng tsokolate.
"Sino ngang nabunot mo?" nagulat ako kay Ally, akala ko ay tapos na ito sa pangungulit tungkol sa nabunot ko para sa palitan ng regalo.
"Stop it Ally, malalaman mo rin naman mamaya." Ngumisi lamang si Ally kay Sari. Napatingin ako sa mesa kung saan nakalagay ang mga regalo namin para sa exchange gift mamaya. Sana magustuhan ni Koen.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpalitan na kami ng mga regalo.
"We're not close but I know that she's smart and I think she's nice too. Ang nabunot ko ay si Sarifah." Pumalakpak kami nang tumayo na si Sari, may kasama pang sigaw mula sa mga lalaki naming mga kaklase. Sandali silang nag-picture na dalawa ni Herschel.
"For sure mamahalin iyong regalo ni Herschel sa kanya," bulong sa akin ni Ally. I pressed my lips. Kinabahan ako bigla. Hindi naman kailangang maging mahal ang isang regalo, pinaghirapan ko naman iyong regalo ko sa kanya at bukal sa puso ko iyong ibibigay sa kanya. Hindi dapat ako makaramdam ng pangamba.
"Iyong nabunot ko, hindi rin kami gaanong close, but I see him as someone that is very jolly. He's really funny. Sometimes I can hear him throwing jokes to his friends and it also made me laugh or smile." Nagkatinginan kami ni Ally.
"Ako lang ba pero bakit parang may laman iyong pagka-describe niya kay Zeyi." Kahit ako ay nahulaan na si Zeyi ang nabunot niya. Humagalpak ng tawa si Sari nang biglang tumayo na si Zeyi at tumabi sa kanya hindi pa man niya nakukumpirma na si Zeyi nga ang nabunot niya. "Did she laugh that way?" kahit ako ay nagulat din, tumatawa naman si Sari pero hindi ganoon kalakas.
"She didn't say it yet it was you!" si Herschel na ikinatawa na rin nang lahat. Napatingin ako sa kanya pati na rin sa katabi niya, si Koen. Agad akong nag-iwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bahagya akong nagtago sa may likod ni Ally.
"Ako ang nabunot mo Sari hindi ba?" unti-unting sumeryoso ang mukha ni Sari bago tumango kay Zeyi. "Wow ang laki nito, baka box lang ito a!" we all laughed. He's just naturally funny. Kinunan din sila ng litratong dalawa. "So, ang nabunot ko naman ay si Ally." Nalaglag ang panga ni Ally sa biglang pagsabi noon ni Zeyi, we all expected for a bit of his description about her. Natawa kami nang siniko ni Ally si Zeyi pagpunta sa unahan.
"Merry Christmas Ally, madaldal ka man pero alam naming mabuti kang kaibigan." Napangiti ako, kahit madalas ay nagbibiro si Zeyi makakaramdam ka pa rin ng sinseridad sa mga sinasabi niya kapag seryoso na siya.
BINABASA MO ANG
Beside the Distant Star [ongoing]
Teen FictionThey say first love never dies and in her case it even grows. Koen Leonardo Montejo, smart, handsome and popular guy in school -one might think he's actually a fictional character from a romance novel. An ideal guy to everyone, a distant star to Sa...