Tahimik kaming bumalik sa silid kung saan kami gumagawa ng activity. Tiningnan kong muli si Koen, tinanguan niya lang ako. Dire-diretso akong pumasok, busy pa rin ang mga kaibigan namin. Sigurado akong hindi nila narinig ang tagpong nasaksihan ko kanina. Dahan-dahan kong kinuha ang chocolate chip cookies 'tsaka ko nilapag sa mesa sa tapat ng bawat isa.
"Wow! Ito iyong ginagawa nila Tito?" tumango ako kay Ally na malapad na ang ngiti. "Thank you!" masaya niyang binuksan at kinain iyon.
"Thank you, Samara!" sabay na pasasalamat ni Sarifah at Zeyi.
"Thank you but I don't eat stuff like this." Si Herschel, nginitian ko na lamang siya at baka sadyang mapili siya sa pagkain o di kaya'y hindi akma sa panlasa niya iyon.
"Akin na lang." Kinuha ni Zeyi ang para sana kay Herschel.
Bumalik na ako sa mesa namin ni Koen at naglapag din ako ng para sa kanya. "Thank you." Aniya sa mababang boses. Naglagay ako ng tubig sa kanyang baso at marahang nilapit sa kanya. I didn't say anything while he silently cried again. I did not let our friends see him that way. Tahimik kong tinapos ang activity habang umiiyak pa rin siya tabi ko.
You should drink water. Sinulat ko sa blangkong papel at inabot sa kanya. Uminom siya ng tubig. Nagsalin ulit ako sa baso niya nang maubos niya ito.
Tumigil na rin siya sa pag-iyak bago pa man matapos ang mga kaibigan namin.
"Ang dami nating natapos na activity, isang araw pa lang." Ani Zeyi.
"Bukas ulit?" suhestiyon ni Sari na kinagulat namin ni Ally. "I mean if that's okay with Koen." Binalingan naming lahat ng tingin si Koen. Wala nang bakas na umiyak si Koen kanina, umaliwalas na rin ang mukha niya kaya naman ay nakampante na ang puso ko. Sana okay na talaga siya, iyong totoo at walang pagpapanggap.
"Sure. Bukas ulit."
We spent five days together and we were able to finish all our school activities and projects.
"Labas naman tayo..." mungkahi ni Zeyi habang nag-aayos na kami ng mga gamit namin. It's almost four in the afternoon and we can still bond. "Flight na ni Koen bukas papuntang Japan." Inakbayan niya si Koen na seryosong nakatingin sa akin. "Ngayon lang tayo nagkasama-sama nang ganito, next year busy na naman tayong lahat."
"Sounds fun!" si Sarifah, nagkatinginan naman kami ni Ally, ngumisi siya sa akin saka inakbayan na rin si Sari.
"Sama ako! Ikaw Samara?" tumango ako at nag-thumbs up.
"Ayos! Ikaw Hersch? Are you coming with us?"
"I'll pass..." tumingin muna siya kay Koen bago sabihin iyon.
"So, ikaw lang ang hindi sasama."
"Koen isn't joining too, anong ako lang ang hindi sasama?" padabog na sinakbit ni Herschel ang kanyang bag. Masama niyang tinitigin si Zeyi.
"Huh? Anong sinasabi mo? Kasama si Koen... hindi mo ba narinig?"
"He didn't say yes, you didn't even ask him."
"Ihahatid ni Koen si Samara... sasama si Samara sa amin, alangang maiwan si Koen." Nagulat ako sa sinabi ni Ally kaya hinatak ko agad siya palapit sa akin. Sinuway ko siya.
"Sasama ako sa kanila Herschel, you should join us too." Paglilinaw naman ni Koen.
"Gusto mo akong kasama?" lumiwanag ang mukha ni Herschel. If I saw it right, she blushed too. Niyaya nga naman siya ni Koen ibigsabihin ay gusto ni Koen na kasama siya.
"Feeling naman..." bubulong-bulong si Ally sa tabi ko, sinuway ko ulit siya. "Sorry, sorry..." nag-peace sign siya sa akin.
"Tara na. Nandiyan na ang driver namin, si Samara kay Koen na sasabay... Ally, Sari at Hersch sa akin na kayo sumabay." Nakakalula iyong mabilis na pagdedesisyon ni Zeyi. Hindi siya nagdadalawang-isip at alam niya talaga iyong gusto niyang gawin. Napansin ko si Sari na nakatingin sa kanya ngayon. Napangiti ako... may mga bagay talagang kahit hindi sabihin ay kapansin-pansin sa bawat galaw natin.
![](https://img.wattpad.com/cover/329883900-288-k122505.jpg)
BINABASA MO ANG
Beside the Distant Star [ongoing]
Genç KurguThey say first love never dies and in her case it even grows. Koen Leonardo Montejo, smart, handsome and popular guy in school -one might think he's actually a fictional character from a romance novel. An ideal guy to everyone, a distant star to Sa...