Prologue

2.3K 78 42
                                    

My growing feelings for him, when did it start? Was it during first year high school orientation?

Mula sa malayo ay natanaw ko siya, sa tangkad ba naman ay kapansin-pansin talaga. I heard rumors about him. He is smart. Pinadala pa nga raw sa ibang bansa para mag-compete sa mga International Math and Science Quiz Bee. He could be an engineer or doctor for that. When he was already representing the country for all his competitions, I was busy playing. We were just elementary students that time!

Maybe he started solving mathematical problems at the age of one. Was that even possible? Anyway, he's a real genius, that's what everyone says. Hindi lang siguro ako ang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Mabilis kasing makapukaw ng atensiyon ang tindig pa lang niya. Bukod doon ay matangkad siya kumpara sa mga kalalakihang kasing edad namin.

"Mela! Tumingin siya sa akin!"

"Hindi kaya! Sa akin siya nakatingin!"

Parang sa akin siya nakatingin?

"Shh... nakatingin na sa atin ang principal..."

Tumuwid ako sa pagkakatayo bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa akin ba siya nakatingin? Imposible.

"Ang gwapo... sana classmates kami..."

Bumuntonghininga na lamang ako at marahang binalik ang tingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Sa akin nga ba talaga?

"Herschel, hindi ba magka-klase kayo ni Koen since Grade One?" napalingon ako sa babaeng nasa may likuran ko lang. Bahagyang umawang ang bibig ko, ang ganda niya. Mukha pang mayaman. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay malinis ang pagkakahati sa gitna.

"Ano ka ba, lagi siyang pangalawa kay Koen. Close sila." Napalunok ako. Ang isa pa sa narinig ko ay walang masyadong kaibigan si Koen. Pili lang ang mga kaibigan nito, quality over quantity kumbaga. Siguro ay isa si Herschel doon at iyong lalaking kanina niya pa katabi at kausap.

"Hindi mo ba crush si Koen?" mapanuyang tanong ng babae kay Herschel. Hindi sumagot si Herschel subalit biglang namula ang kanyang mga pisngi, senyales na nakaramdam ito ng kilig. Malamang ay crush niya si Koen, sinong hindi. Nasa kanya na ang lahat, kumbaga para siyang hinulma katulad noong mga tauhan na gusto nang marami mula sa isang sikat na nakakakilig na libro.

"Stop it girls. The principal is still giving her welcome remarks."

"Ang ganda mo talaga Hersch! Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa'yo."

"Maybe he just wanted to say hello..." sa narinig kong iyon ay pinutol ko na ang tingin ko kay Koen. Natawa na lang ako sa aking sarili, naisip ko talaga 'yun? Naisip ko talagang paglalaanan niya ako ng kaunting atensiyon. Napailing na lang ako.

"I will be arranging your seats, that will be your permanent seat until the end of the school year. I don't want to see anyone not on their proper seats during discussion. Are we clear?"

"Yes Ma'am!" sabay-sabay naming tugon ng mga kaklase ko.

Was it during the seating arrangement?

"Next Medrano, you will be sitting beside Montejo." Magkasunod lang pala ang apelyido namin sa listahan. Hindi ko iyon napansin noong nag-check kami ni Papa ng listahan ng mga estudyante per section dahil wala naman akong ideya kung anong hitsura ng mga magiging kaklase ko. Lumaki ako sa probinsiya, hanggang elementary ay doon ako nag-aral, malayo sa aking mga magulang dahil dito sila sa Maynila nagkaroon ng trabaho. Iyong boss nila Papa ang nagpapa-aral sa akin ngayon, iskolar niya ako.

I settled on my seat. Huminga ako nang malalim at saka siya nilingon. I tried to smile at him, but he just stared back at me. Agad ding napawi ang ngiti ko. Baka hindi siya nakikipagkaibigan kung hindi kasing talino niya? Kaibigan niya si Herschel kahit malayo naman sa isa't-isa ang mga apelyido nila.

Beside the Distant Star [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon