Chapter 1

1.5K 74 38
                                    

"300, 500 and 1,000 pesos 'yung choices for exchange gift price natin..." si Herschel na nagsulat sa blackboard upang pagbotohan ang magiging presyo ng exchange gift. "Raise your hand kung magkano ang gusto niyong exchange gift. Okay, 300 pesos, pakitaas na lang mabuti ang kamay upang mabilang ko." Napatingin ako kina Sarifah at Allyrose, mukhang ako lang ang may balak magtaas ng kamay, kung sabagay hindi naman problema sa kanila ang pera.

"Walang may gusto ng 300 pesos?" pikit-mata akong nagtaas ng kamay. Nang imulat ko ang aking mga mata ay buong klase na ang nakatingin sa akin. Sinilip ko rin ang reaksyon ng katabi ko at blangko siyang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya unti-unti ko nang ibinaba ang kamay ko subalit may kamay na pumigil sa akin bago ko pa man ito tuluyang maibaba. "K-Koen? You're going for 300 too?" Nilingon ko si Koen eksaktong tumango naman siya kay Herschel.

Nakangising nagtaas na rin ng kamay sina Sari at Ally, kumindat pa sa akin si Ally sabay nguso sa kamay kong hawak-hawak pa rin ni Koen. Hindi nagtagal ay nadagdagan pa ang nagtaas ng kamay upang iboto ang 300 pesos. "Seriously guys? 300 pesos na talaga ang majority?" hindi makapaniwalang tanong ni Herschel, kahit ako ay hindi rin makapaniwala... alam ko naman na kung hindi mayaman ay maykaya talaga sa buhay ang mga kaklase ko na kayang-kaya nilang bumili ng exchange gift na halagang 1,000 pesos.

"We don't work yet, Hersch. Hindi naman tayo ang magbabayad para sa exchange gift natin, it's still our parent's money. It's the thought that counts when giving gifts, so I don't think we have to spend that much. Pwede naman sumobra sa 300, kung kaya talagang bumili nang mas mahal, up to you... you can make 300 as minimum for the exchange gift. Not a bad idea right, Hersch?" sa sinabi ni Koen ay sumang-ayon ang lahat. He has that effect to everyone. Iyong kaya niyang pasang-ayunin ang iba sa kanya, that his thoughts always matter to everyone.

"Better Koen, thanks."

"Bunutan na tayo guys!" singit naman ni Zeyi na siyang ikinasaya ng lahat. "Okay na 'yan Hersch, 300 na minimum."

"Guys, form a line tapos pwede na kayong bumunot dito sa box, all your names are here na. First row muna ang mauuna, after first row, tsaka lang bubunot ang susunod na row."

Third row pa ako kaya hinintay ko pang makaupo ang mga nasa second row bago tumayo. "Next third row..." nang makalapit sa harap ng teacher's table ay bumunot na agad ako ng pangalan, sinigurado kong hindi ako nakipag-eye contact kay Herschel, nanliliit kasi ako tuwing nagtatama ang tingin namin.

"Stop picking my name this year, Koen. Please lang." Narinig kong biro niya kay Koen, classmate sila since elementary, siguro ay madalas si Koen ang nakakabunot sa kanya.

"Sinong nabunot mo?" nagulat ako sa pagsulpot ni Ally sa harap ko.

"Hindi ko pa tinitingnan. Mamaya na lang pag-uwi." Tinigilan niya rin naman ang pangungulit sa akin dahil si Sari na ang kinukulit niya ngayon.

"Dali na Sari! Kahit clue lang," umiling-iling na si Sari sa kanya, napatingin naman ito sa akin na parang humihingi ng saklolo. Nagkibit ako ng balikat at saka bumalik na sa aking upuan. Nagkatinginan kami ni Koen nang umupo ako.

"Okay guys, reminder ulit na 300 ang minimum for exchange gift. I'll post a blank paper here sa board later, so you can write your wish list. Let's talk about our food naman. Buffet anyone? Mag-ambagan na lang tayo?" napaawang ang bibig ko. Buffet? Seryoso ba 'to, sa probinsiya noon tuwing Christmas Party, ay may kanya-kanya kaming dalang ulam, iyon ang magiging ambag namin.

"Ang mahal naman..." bulong ko.

"Huwag ng buffet, Hersch. Make a group then i-assign na lang kung anong mga dadalhin." Si Koen. I felt relieved when he suggested that because that's what I've thought of too.

Beside the Distant Star [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon