Chapter 2

1.1K 83 49
                                    

"Tara na?"

Nataranta ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ng last subject namin ngayong araw ay nakaabang na sa akin si Koen.

"Pwede bang ibalik ko na lang sa'yo bukas? Dadalhin ko na lang." Umiling agad siya sa akin.

"Kailangan ko na ngayon, baka kasi hanapin ni Mommy." Paper bag? Hahanapin pa rin talaga?

"Okay, sige. Tara na."

Lumapit muna ako kina Sari at Ally upang magpaalam. "Ingat kayo ni Koen, Mara." Medyo napalakas ang boses ni Ally kaya nagtinginan din ang iba ko pang kaklase, kahit na pakiramdam ko ay sinadya niya iyon.

"Bye, Sari, Ally!" paalam kong muli bago tuluyang makalabas ng classroom.

Hindi naman nagsalita si Koen, kaya naman ay pinanatili ko ang distansya sa pagitan namin. Marami ang bumati sa kanya at tinatanguan niya naman ang mga ito. Nang makarating kami sa school gate ay nag-aabang na rin si Kuya Mati, iyong driver nila. "Hello po." Bati ko sa kanya.

"Kasabay ko ulit siya, Kuya Mati." Hindi na ito nagtanong pa at sumakay na kami pareho ni Koen sa backseat.

"Madalas bang hinahanap ng mommy mo ang mga paper bag?" panunubok kong bumuo ng usapan sa pagitan namin.

"Hindi naman lahat ng paper bag, but possible." Aniya.

Kailangan ko na talagang maibigay 'yun sa kanya at baka kung ano pang isipin ng mommy niya sa akin. "Mabuti at hindi ko gaanong nayupi iyon, ang dami pa namang libro ang nailagay natin doon." Subok ko ulit. Kinakabahan ako nang bahagya dahil baka hindi siya sumagot.

"Okay lang kahit may yupi, basta maibalik lang sa kanya." Nakahinga ako nang maluwag nang sumagot siya. "May problema ba?" umiling agad ako. "You seem distant all the time." Aniya.

"Hindi naman iniisip ko lang kung bakit kailangan pa ng mommy mo 'yung paper bag, not that I don't want to give it back. Nakakahiya kasi at baka may yupi na nga, hindi kaya siya magalit?"

"I already told you that it's fine as long as she got it back," tumango-tango na lamang ako.

"Koen, Samara... nandito na tayo."

"Sandali lang Montejo, kukunin ko na lang. Pakihintay na lang ako." Ani ko sa kanya habang nagmamadaling bumaba ng kotse. "Salamat po Kuya Mati!"

Hindi kalaunan ay nakatanggap ako ng mensahe, hindi pa man ako nakarating sa bahay namin.

From Koen Montejo:

Something urgent at home came up. I need to go home. Bukas ko na lang kunin ulit 'yung paper bag. Huwag mo nang dalhin sa school. Sabay ka na lang ulit sa akin pauwi para madaanan natin.

From Koen Momtejo:

Don't forget our assignments, kapag may nahihirapan ka, tulungan kita :)

Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. He's considerate. Pero seryoso? Hindi na naman niya nakuha sa akin 'yung paper bag. Dadalhin ko na lang sa school siguro para hindi niya na kailangang dumaan dito sa amin, pakiramdam ko ay nakakaabala ako.

To Koen Montejo:

Salamat ulit sa pagsabay sa akin. Bukas ibibigay ko, promise! Sorry sa abala.

From Koen Montejo:

Hindi ka naman nakakaabala.

From Allyrose:

Nakabili ka na ng exchange gift? Sabay-sabay na lang tayong maghanap. Sino ba kasing nabunot mo?

'Kundi pa nagtanong si Ally ay muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon, si Koen nga pala ang nabunot ko. 300 lang naman ang napagkaisahang minimum pero parang nakakahiyang 300 lang ang halaga ng ibibigay ko sa kanya. Wala rin akong maisip dahil paniguradong mayroon na siya nang lahat ng bagay.

Beside the Distant Star [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon