Paw's POV.
Nagdaan ang mga ilang araw at naka tanggap ako ng text na galing kay Drain.
From Drain:
Bukas na bukas mag kita tayo sa address na ibibigay ko sayo, wag kang malate. Or else lagot ka sakin.Sabi nito at gusto nyang alas dose ako maka punta dun, tas binigay nya pa sakin ang lugar. Ang kaylangan ko nalang gawin ay mag paalam kay Mama kung pwedi ko bang ipabantay sa kanya si Rain.
Naglakad ako sa kwarto ni Mama tas kumatok ako.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Ma, mag usap tayo."
"Tungkol sa?"
"Eh kasi Ma, may nakita akong trabaho, tas baka walang makaka tingin kay Rain eh," sabi ko habang kinakabahan.
"Pasok ka muna," sabi nya at pinapasok nya ako sa kwarto nya.
Umupo ako sa higaan ni Mama at tumabi naman sya sakin. "Anong trabaho ba ang nakita mo?" Tanong nya.
"Personal assistant doon sa may-ari ng isang Mansion Ma," sabi ko kaya napa tango si Mama.
"Kelan kaba mag sisimula?"
"Bukas Ma eh tas diko alam kung san ko ipapa alaga si Rain, wala naman akong tiwala sa mga tao rito sa Pilipinas, baka ano pang gawin nila kay Rain."
May tiwala naman ako pero wala akong tiwala kay Drain. Baka yung taong makukuha namin baka tauhan ni Drain diba? Alam kong baliw yung lalaking yun. Pag nainis yun sakin baka idamay nya ang anak namin.
"Pwedi namang hindi ka mag trabaho, ah, malaki laki rin nanaman ang pera na meron ako at kunti nalang pwedi nyo tong gamitin ni Rain para bumalik kayo sa L.A."
Napa yuko nalang ako kasi mukhang di nako makakabalik dun. Pwera nalang kung papayagan ako ni Drain diba? Ni hindi ko nga maasikaso ang nasunong na Galeria ko run.
"Ma about sa L.A ba, mukhang d-dina ko makakabalik doon. Yung Galeria ko dun na prorpoblema ako kasi walang nakaka asikaso doon."
"Pano namang hindi ka makakabalik?"
"Basta, ang kaylangan ko nalang talaga ngayon Ma ay ang mag babantay kay Rain, pano ko ba sya maiiwan, may alam ka bang pweding mag bantay kay Rain Ma? Yung magaling sana at makaka pag katiwalaan, kasi bukas na talaga ako papasok."
"Oh bat ngayon kapa nag sabi? Hay nako Paw, sa susunod kasi mag sabi ka muna, tingnan mo matatagalan tayo sa pag hahanap ng babysitter kay Rain. Pero sige hahanap ako, pero in the maintime ako na muna ang mag babantay sa kanya."
"Thank you Ma ha."
"Oo na, sang lugar ba ang tratrabahoan mo?"
"E-eh, d-diko nga alam yan Ma eh, ni hindi ko nga alam kung kelan ako makaka uwi rito, stay in kasi dun."
"Ano stay in?!" Di maka paniwala na sabi nya. "Pano si Rain? Magiging busy ka sa trabaho mo tas wala ka ng oras sa anak mo, ganun?"
"Hindi naman sa ganun ma kaylangan ko lang talaga ng pera ngayon at maka hanap ng trabaho," pag sisinungaling ko.
"Hay nako Paw, kung noon hindi ako disappointed sa mga kinikilos mo, pero ngayon ang dami ng mali, baka bagong pag kakamali nanaman yan ha, siguradohin mo lang na di ka nanaman mag kakamali Paw, hay nako sayung babae ka," sabi ni Mama habang pina pangaralan ako.
Totoo nga ang sinabi ni Mama ang dami ko ng mga mali at mukhang dina nga mababawasan.
...
Nandito ako ngayon sa harap ng isang malaking private building na tenix ni Drain sakin, pumasok ako sa loob at may mga guards pa ang nag bantay sa pintoan. Naglalakad ako ngayon nang may biglang lumapit sakin at tiningnan ko yun at yun pala yung lalaki na nasa kompanya ni Drain, hay nako basta diko naman to kilala basta sya ang nag sabi na patay naraw si Drain.
BINABASA MO ANG
The Billionaires Fake Wife (Red Flag Series #1 )
RomanceTHE BILLIONAIRES FAKE WIFE (Red Flag Series #1) Paw Velarde is a loving daughter who just want to earn a huge money for her Mom's monthly hospital payment. One day while she was working at the cafe, she found herself standing in front of a girl who...