CHAPTER 18

660 9 0
                                    

"Ano yun Dylan?" Tanong ko.

"Assist me, bilisan mo malalate nako," sabi nya kaya ako na yung nag suot sa kanya ng damit, pati yung buhok at perfume nya ako na yung nag ayos tapos ang necktie nya. Habang inaayos ko ang necktie nya napa ehem ako kasi gusto ko talagang sabihin sa kanya kung pwedi bako umuwi.

"Is there anthing you woud like to say Paw?" Tanong nya sakin kaya napa balik ako sa ulirat ko.

"Uhh... Oo Drain eh, may pakiusap sana ako sayo."

"Hmm? What is it?"

Napa kamot ako sa ulo ko at napa kagat sa labi ko at binitawan ko ang neck tie nya. "May chinat si Mama sakin, at kaylangan ko talaga ng pirmeso mo kung pwedi bako umuwi?"

Yung mata nyang normal kanina ay nag iba nanaman ng emosyon at nag iba rin yung pag hinga nya, "you know that whatever that is I won't agree with that, alam mo yun diba? So why bothering asking for my permission kung hindi naman kita papayagan," sabi nya at sya na ang tumapos sa necktie nya at akmang tatalikuran ako pero pinigilan ko sya.

"What the fuck?"

"Wait lang! Basahin mo to oh, para naman maniwala ka at makumbinsi kita Dylan," sabi ko at pinakita ko sa kanya yung chat ni mama kanina pero pag katapos nyang basahin yun para lang syang walang paki.

"Your sister is not your responsibility, yung Mama mo dapat ang gumawa nun, not you," sabi nya kaya napa awang nalang ako sa labi ko.

"Responsibilidad ko yun Drain, ate nya ako at kaylangan nya ako, pano yun tatahan? Baka aatakihin pa yun."

"Then what do you want me to do? Paalisin ka? At pumunta ka sa sister mo ganun?"

"Dylan naman, dimo naman yun ikakamatay diba kahit dalawang oras kaming mag kita?"

"Oh come on Paw, pinag usapan na natin to na hindi nga kita papayagan kahit mag makaawa kapa sakin," sabi nya kaya sinundan ko pa sya.

Nag pupumilit pa ako ng husto sa kanya, ni hindi ko sya tinigilan kahit kumakain kami hindi ko sya tinitigilan tapos kinukulit ko pa sya at pinapangiti pero wa epek! Ayaw nya.

Napapikit si Drain sa pangungulit ko at pag yuyugyog ko sakanya kanina pa. "Dylan sige na ba, aalis kana ngayon oh, sige na please kahit 1 hour nalan-"

"Ugh! Pag sinabi kong hindi Paw! Hindi! Nakakainis ka! Pag hindi hindi! Wag kang mamilit! Nakaka wala ka na ng gana! Alam mo bayun! Kung hindi ka nakakaintindi ng hindi edi umalis ka! Lumayas ka pumunta ka dun sa pamilya mo! At wag na wag ka nang mag papakita sakin!" Nagulat ako nang sumigaw sya sakin at bigla nalang syang umalis at iniwan akong tulala sa ginawa nya.

Ang ayos ng pakiusap ko pero ganun sya, ano ba problema nya? Ang dali nga lang ng pakiusap ko pero ganun na sya umasta, pano yung anak namin kung yung tatay nyang sira ulo na ayaw akong palabasin at makita yung anak namin. Naiinis nako Drain, I'm starting to despise you, halos parati na tayong magkasama pero ayaw mo akong ma kasama ang anak mo ngayon!
...
Isang linggo ang nagdaan di na ako nangulit kay Drain, ni hindi ko na ma tawagan ang Mama ko kasi baka mag daldal pa si Mama tapos mag dadaldal nanaman si Drain, na bwebwesit nako, napapabayaan ko na talaga sila dahil lang kay Drain. Eh ano pa ba ang magagawa ko? Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa gusto ng lalaking to.

"Good evening po," sabi ko at hinalikan ko sya at hinubad ko ang coat nya kaya hinalikan nya rin ang mukha ko kaya tipid akong ngumiti.

"Alam mo, I really like your politeness right now, nakaka gana," sabi nya kaya napa tango nalang ako.

"Tapos kana ba kumain?" Tanong ko.

"Oum, tapos na. May dinner meeting kasi kami dun pero maliit lang yung kinain ko. Uh.. What did you cook pala?"

The Billionaires Fake Wife (Red Flag Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon