CHAPTER 14

465 4 1
                                    

Paw's POV.

Tatlong buwan ko na syang inalagaan, minsan lumalala yung sakit nya tas minsan hindi, nababaliw ako pag nalalaman kung may nosebleed sya. Hindi ko man nakikita kung pano sya ma nosebleed sa harapan ko kasi nasa labas ako or natutulog ako pag ni nonosebleed sya.

"Drain uminom kana nito oh, oras na para uminom ka," sabi ko sabay kuha sa gamot nya at nilagay sa kutsara.

"Hmm, no, that taste awful. Bat nyo kasi iniba yung lasa nyan," sabi nya tas nilayo nya pa ang ulo nya, kaya napa buntong hininga nalang ako sa kanya kasi nag iinarte nanaman sya.

"Ayaw mo talaga?" May pag lalambing na sabi ko.

Tumango sya. "Mhm mhm, ayaw ko," sabi nya.

"Pero baka lumala yung sakit mo pag hindi ka uminom. Ilang beses naba natin pinag usapan na uminom ka," sabi ko kaya sumimangot sya.

"Are you mad at me... Ha?" Walang mood na sabi nya kaya napa ayos ako sa pagkaka-upo.

"D-di noh, di naman ako galit," nauutal na sabi ko kaya tumango nalang sya. "Ge na Drain drink this please, may tatlo kapang gamot na iinomin ngayon," sabi ko at bigla syang naubo. "See, nauubo kana naman kaya halikana inomin mo na to," pamimilit ko pero nilalayo nya talaga ang mukha nya.

"No Paw, I don't want it," parang batang sabi nya at umiiwas talaga sya hanggang sa mahulog yung kutsara.

"Tingnan mo Drain nahulog," sabi ko sa kanya.

"So galit kana sakin," sabi nya sa walang emosyon na mukha.

"Hindi, yung sakin lang kas-"

"Forget it, I don't really wanna drink that."

"Fine, kung ayaw mo edi, mapipilitan ako nito," sabi ko at bigla kung ininom ang gamot nya.

"Hey! Why did yo-" Hindi natapos ang sinabi nya kasi hinalikan ko sya at nilagay ko sa loob ng labi nya at pinataas ko ang ulo nya para malunok nya.

10 seconds akong naka halik sa kanya at hinawakan ko pa talaga ang ulo nya para hindi sya lumayo.

Nang lumayo na ako sa kanya ay kinuha ko diretso yung tubig at mabilis kong pinainom sa kanya.

"Ayan tapos na. Oh ito pa tabletas inomin morin," sabi ko at sinunod nya naman ang sinabi ko.

Hindi ko tiningnan ang ekspresyon nya sa mukha kasi mas nakatuon ako sa mga gamot na pinapainom ko sa kanya.

Nang matapos na ay nilinis ko ang mga kalat pati yung tubig ay nilagay ko nalang din sa ibaba.

"Matutulog kana ba?" Tanong ko pero di nya ako tiningnan naka tulala lang sya.

"Hoi Drain," sabi ko sabay yug-yog sa kanya pero ayaw nya kong tingnan.

"Ano ba nangyayari sayo ha," sabi ko at hinarap ko ang mukha nya sa mukha ko.

"Y-you just k-kiss me kasi eh, with a medicine pa," sabi nya kaya natulala rin ako.

"Ehem! Pero ginawa ko lang naman yun para dika mag ka-"

"Nawawalan na nga ako ng gana pag umiinom ako sa mga gamot nayun... But you just made it sound exciting," sabi nya kaya nabitawan ko sya at nag taka ako.

"Ano ibig mong sabihin?"

"What if everytime I drink a medicine you'll feed me using your lips, ano deal?" Sabi nya pa kaya napaawang ang labi ko.

"M-manahimik ka mga, ginawa ko lang naman yun para inomin mo."

"Edi gawin mo parati para iinomin ko rin parati diba," sabi nya kaya napa buntong hininga nalang ako.

The Billionaires Fake Wife (Red Flag Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon