CHAPTER 2

599 20 0
                                    

Chapter 02: SAVED
#SPO:VDF

SHANAIA'S POV

ITO ako ngayon nakatayo sa labas ng bahay namin sa kabilang daan naghihintay ng trisikel, 6:50 pa naman ng umaga kaya maaga pa. 8 o'clock pa naman magsisimula ang klase namin.

Mga ilang minuto ako naghintay may nasulyapan akong trisikel na paparating, kulay pula ito na may tatak sa unahan na buayang kulay berde. Trisikel ni Mang John tatay ni kuya Rex, kaibigan ko. Pinara ko agad ito kaya't huminto ito sa harap ko.

"Shanaia! Ikaw pala hija" parang gulat na gulat ito nang makita ako. "Papasok ka na ba sa skwela?"

"Opo"

"Halika na ihahatid na kita." pagakasabi niya ay agad akong sumakay sa trisikel.

Ilan minuto ang lumipas ay nakarating sa kami sa SU Bumaba na ako at inabot kay Mang John ang pamasahe.

"Ito ho ang bayad, salamat!" ayaw pa sana niyang tanggapin pero pinilit ko ito. Pumasok na ako sa gate ng university.

Pangalawang araw ko na ngayon dito sa SU.

"SHANAIA!!!!" sigaw no'ng sino.

Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ito sa taong tumawag sa'kin. At si—Alexa lang pala, kasama niya sina Zane at Rhea. Nakangiti itong tumatakbo papalapit sa'kin.

"Shanaia! I miss you!!!" saad ni Alexa at niyakap ako ng subrang higpit!

"Kahapon lang kayo huling nagkita miss agad?" kontra naman ni Rhea.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Alexa.

"Paki mo?" aniya ni Alexa may halong pagsusungit. Nakayakap pa rin ito sa akin.

"Good morning!" bati ni Zane.

"Good morning din.." bati ko naman pabalik sa kanya.

"Saan ka nga pala nagpunta kahapon? Diba sabi mo may lakad ka?" tanong ni Zane.

Tumigil 'yong dalawa at tumingin silang tatlo sa'kin, inaabangan ang sagot ko.

Tumikhim muna ako, "Sa puntod nang Lolo't Lola ko," sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi? Edi sana nasamahan ka namin tatlo na pumunta don." sabi naman ni Rhea. Sumang-ayon naman 'yong dalawa.

"Baka maabala lang kayo. At saka baka may lakad kayo kahapon kaya hindi ko na kayo inabala pa." pagpapaliwanag ko naman sa kanila.

"Wala naman kaming lakad kahapon ha!" kontra ni Rhea sa sinabi ko.

Hirap magpaliwanag.

"Sa susunod sumama ka na sa amin sa pag-uwi baka ma paano ka pa sa daan, uso pa naman ang kidnapping ngayon panahon." sabi naman ni Zane na may pag-aalala sa mukha.

Tumango na lang ako bilang sagot, tama siya. Sasama na lang ako sa kanila baka bumalik ang itim na kotseng sumusunod sa'kin kahapon.

Sino kaya 'yon?

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now